October 23, 2025 | 12:00am
“The “Kath” is finally out of the bag!” umpisa ng caption ni Kathryn Bernardo sa kanyang post to formally announce na magkakaroon na siya ng wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong.
“So excited to finally share this with everyone. Thank you @madametussaudshongkong for this huge honor,” kabuuan ng post ng actress kalakip ang isang reel video.
Kasabay na rin nito ng announcement ng social media pages ng Madame Tussauds HK.
“The countdown is over—Madame Tussauds Hong Kong is welcoming Kathryn Bernardo! Known as the “Phenomenal Box-Office Queen,” she starred in the FIRST Filipino film to hit 1B pesos globally!
“Her wax figure drops in 2026”
Sayang lang talaga at diumano’y walang-wala nang chance na magtambal ulit sila ni Alden Richards pagkatapos ng Hello, Love, Again dahil malabo na raw silang maging ok ng kanyang katambal sa pelikulang umabot sa isang bilyon ang kinita.
