Blackwater binalikan ng Magnolia Hotshots


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

November 15, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines —  Bumalikwas ang Mag­­nolia mula sa isang 12-point deficit sa second pe­riod para resbakan ang Blackwater, 90-75, sa Season 50 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itinaas ng Hotshots ang kanilang record sa 5-2 para sumosyo sa nagdedepen­ssang San MIguel Beermen, NLEX Road Warriors at Rain or Shine Elasto Painters sa No. 2 sa ilalim ng nangungunang TNT Tro­pang 5G (5-1).

Bumira si Javi Gomez De Liano ng game-high 17 points, habang nagdag­dag sina Ian Sangalang at Zavier Lucero ng 16 at 13 markers, ayon sa pagkaka­sunod.

“We cannot really start like this all the time. Hindi ka­­mi puwede iyong parati kaming naghahabol,” ani rookie coach LA Tenorio. “Siguro I’d rather na kami ang hinahabol kesa kami iyong naghahabol.”

Bagsak ang Bossing sa ikaanim na dikit na kama­lasan matapos talunin ang Terrafirma Dyip, 107-87, noong Oktubre 10 at nananganib na masibak sa pang-walong sunod na pagkakataon.

Matapos kunin ng Magnolia ang first period, 18-15, ay humarurot ang Blackwater sa likod ni Sedrick Barefield para ilista ang 12-point lead, 36-24, sa 3:29 minuto bago ang halftime.

Nakabalik sa laro ang Hotshots sa third quarter sa pagbibida nina Lucero, Sangalang at Jerom Lasti­mosa para agawin ang 49-45 kalamangan sa 6:59 minuto nito patungo sa 64-55 paglayo sa pagtatapos ng nasabing yugto.

Ilang beses nagtangkang makalapit ang Bos­sing na lalo pang nabaon sa 61-77 matapos ang three-point shot ni Raffy Ve­rayo sa 8:07 minuto ng final canto.

Pinamunuan ni Barefield ang Blackwater sa kanyang 16 points.