Trabaho lang | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

November 16, 2025 | 12:00am

Paniguro lang naman.

‘Yan ang explanation ni Converge coach Delta Pineda sa layup ni Juan Gomez de Liaño sa closing seconds ng panalo nila kontra Ginebra ‘nung Biyernes.

In effect kasi ang quotient system sa PBA Philippine Cup in case may tie sa final standings. Ang alam ko, lawang knockout game to break ties.

Lamang ng sampu ang Converge ‘nung umiskor si JGDL with seven seconds left. Sa tingin ni Ginebra coach Tim Cone, no need. Kay coach Delta, may need.

Kaya binigyan niya si JGDL ng go-signal na umiskor. In the end, nag-sorry siya kay Cone. Nagkamayan sila kahit kita mo na masama ang loob ng Ginebra coach.

“I think, kailangan namin,” sabi ni vice governor.

I agree. Mahirap na eh baka in the end, pumasok ang quotient system and then doon kapusin ng one or two points ang Converge.

Umakyat sa 5-2 ang Converge at sadsad naman sa 2-4 ang Ginebra. Nanganganib pumasok sa playoffs.

Kaya habang ganyan ang format, let the players score kahit na settled na ang outcome ng laro.

Gaya ng sabi ko dati, basta quotient ang habol, go ahead.

Wala lang bastusan.