Puwestuhan sa PVL quarterfinals | Pilipino Star Ngayon


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

November 18, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pagkakabuo ng eight-team quarterfinals cast ay ang puwestuhan na­man ang mangyayari sa 2025 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Haharapin ng ZUS Cof­­fee ang talsik nang Nx­led ngayong ala-1:30 ng ha­pon kasunod ang laban ng Akari at sibak nang Cho­co Mucho sa alas-4 ng ha­pon sa Ynares Center sa Mon­talban, Rizal.

Sa huling laro sa alas-6:30 ng gabi ay magtutu­os ang nagdedepensang Creamline at Cignal.

Swak na sa knockout quar­terfinals ang PLDT High Speed Hitters (6-1), Farm Fresh Foxies (6-1), Thun­derbelles (6-1), Cool Smashers (5-2), Chargers (4-3), Super Spikers (4-3), Petro Gazz Angels (4-3) at Capital1 Solar Spikers (3-4).

Tanggal naman ang Che­ry Tiggo Crossovers (2-5), Flying Titans (2-5), Cha­meleons (0-7) at Galeries Tower Highrisers (0-7).

Sa quarterfinals ay sa­sa­gupain ng No. 1 team ang No.8, magduduwelo ang No. 2 at No. 7, lalaba­nan ng No. 3 ang No. 6 at magkikita ang No. 4 at No. 5.

Ang apat na ma­­­na­na­long tropa ang aabante sa knockout semifinals kung saan ang magwawaging da­lawang koponan ang magbabardagulan sa one-game championship duel.

Ang Cignal ang nag­man­tsa sa dating malinis na record ng ZUS Coffee.