Nanay ni Jake, may buwelta sa lumang bintang na pang-aabuso ng tiyuhin


Ahh hot item ngayon si Jake Zyrus at inang si Raquel Pempengco.

Ito ay matapos buhayin sa social media ang excerpts sa 2018 memoir na I Am Jake na diumano’y biktima si Jake ng pang-aabuso sa kanyang tiyuhin noong siya ay anim na taong gulang lang.

Lumang-luma na.

Kaya naman nag-share ng cryptic remarks ang ina ng singer na ang hula ng lahat ay para sa anak na transgender. At kaloka na feel na feel nito na ang ganda at sexy niya.

Unang post ni Ms. Raquel :

“Meron na namang fake news. Galing daw isang libro. Mga bashers hindi updated yang libro na yan… Abangan nyo ako ang mag uupdate ng libro na yan. Sari-sari na lang issue nyo. Meron kilala daw ako? Mga gumagawa ng kwento ang iba. Baka magulat kayo kapag ako ang nagkwento. Kaya tumigil na kayo sa kaka fake news na yan. Mga salot ng lipunan,” sabi niya sa isang post na alam mong may kasamang pang-aasar.

Dagdag niya : “Kwento n’yo ‘yan malamang masama ako diyan. Pero hinde ko alam ang kwento na yan… sanay na ako tawaging masama. Kung yan ba ikakasaya niyo… Tanggap ko na ang pangalan kong EVIL QUEEN. Basta ako alam ko ang sarili kong kwento pero di ko na isasaLIBRO dahil ayoko ng may mapasama at madagdagan ang mga evil.”

Pero sa true lang, may career pa ba si Jake? Bukod sa mga intriga sa kanila.