Gabbi lumaban; Bagong Miss Nuniverse Philipines, nadapa, rumampa ulit


Sa totoo lang, parang lumaban din sa Miss Universe Philippines si Gabbi Garcia noong isang gabi.

Ang bobongga ng mga pictorial niya.

Actually, parang kinabog pa ni Gabbi ang ibang contestants sa mga sinuot niyang gown. Lalo na ‘yung gown na inspired sa mga magsasaka. “Grounded like the Filipino farmer — the quiet force behind every harvest. Strength, humility, and heart,” sabi niya sa post sa gown na gawa ng sikat na designer na si Vania Romoff.

Isa lang ‘yun sa marami niyang change costume.

Samantala, si Ahtisa Manalo ng Quezon Province ang kinoronahang Miss Universe PH.

Natapilok si Ahtisa nang rumampa sa gown competition, pero hindi nagpaapekto at nahiya, tumayo at rumampa ulit. Tho parang ang sakit ng bagsak niya. Pero tinapatan niya ng face card.

At nang tanungin ang bagong beauty queen sa naging karanasan “I fell a while ago onstage. And the thing with me is, whenever I fall in life, I make sure I come back stronger…”