Gerald, umamin sa totoong lagay ng relasyon nila ni Julia


May ilang duda pa rin sa naging sagot ni Gerald Anderson tungkol sa estado ng relasyon nila ni Julia Barretto kahit itinanggi nito na hiwalay na sila at nabanggit na gusto na niyang magkaanak sa aktres.

Sumagot na nga ang actor tungkol sa pinag-uusapang diumano’y hiwalayan nila ni Julia

Sa interview ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog ay sinabi nga nitong “We’re okay. Kanina, hinatid ko siya sa airport, pupunta sila sa Dubai,” sabi ni Gerald kay Toni.

Nauna na ngang may nakakita na inihatid niya si Julia sa airport kung saan ito may dinaluhang event sa Dubai kamakailan.

At nang tanungin siya ni Toni kung ba’t may isyung nag-delete sila ng photos sa Instagram, sinabi ng aktor na nakakalungkot aniya na nagiging basehan ang ganun.

In fact, all-praises siya sa karelasyon dahil manang-mana raw ito sa inang si Marjorie Barretto na very motherly.

“Si Julia is very mapagmahal, very motherly, manang-mana siya kay tita Marj, super!” aniya sa girlfriend for five years.

“‘Yung value na meron siya, ‘yung love na binibigay niya, ‘yung support na binibigay niya, it inspires me to you know, just be better and give her ‘yung 100% ko, always ‘yung best version ko,” banggit pa niya.

Pero aniya, marami na silang dinaanang lubak na nagpatibay sa kanilang relasyon:  “Maraming bumps in a road but sometimes, I think, blessing din ‘yun kasi parang it made us even parang stronger. When you go through something like that and you see ‘yung partner mo is emotionally strong and supporting you, parang you know na it was worth it.

At pakiramdam niya ay mas mature pa nga raw ito kesa sa kanya, kaya’t puring-puri niya ito.

Inamin niya rin kay Toni na gusto na niyang magkaanak nang tanungin siya kung pinag-uusapan na nilang magkarelasyon ang kasal.

Tho usap-usapan na nagkaroon nga diumano sila ng disagreement ni Julia.