MANILA, Philippines — Extended ang pagtatanghal ng Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo. Nadagdagan ang mga palabas sa June 14, 8 p.m. at June 15, 3 p.m., na may mga espesyal na encore shows sa Hunyo 28, 3 p.m. at 8 p.m.
Mula nang ito’y buksan, humakot ang Delia D. Musical ng libu-libong manonood sa pamamagitan ng all-star cast at creative team, mga iconic song ng hitmaker na si Jonathan Manalo, at isang kwentong nagbibigay-pugay sa mga pangarap, pagkakaibigan, at pamilya.
Ang Delia D. Musical ay ika-labing-isang pangunahing pagtatanghal ng Full House Theater Company, ang production outfit ng Newport World Resorts.
Panoorin na ang mga huling pagtatanghal ng Delia D. Musical hanggang June 28 sa Newport Performing Arts Theater.
Available ang tickets sa TicketWorld, HelixPay, at sa Newport World Resorts Box Office sa halagang P3,500 (SVIP), P3,000 (VIP), P2,500 (GOLD), P1,800 (SILVER), at P1,000 (BRONZE).
Para sa mga katanungan, tumawag sa Customer Care sa 7908-8888 o 0917-872-8237, o mag-email sa [email protected].
