Wala nang planong mag-counter charge si Ricardo Cepeda.
Mismong ang common-law wife niyang si Marina Benipayo ang nagsabi na wala na silang resources para gawin ‘yun.
Eleven months ding nakulong ang actor dahil sa diumano’y syndicated estafa sa Tuguegarao.
At kasalukuyan itong nakakalaya dahil sa piyansa kaya tuloy pa rin ang laban nila. “Well, hindi pa naman actually tapos. He was granted bail. Ongoing pa pero kasi non-bailable siya tapos nung mga hearing kasi talagang wala naman siya roon. So that’s one part na hindi ko yata pwedeng ikwento. Pero anyway wala naman siya roon. So sabi ko, let’s just rest with the fact na alam naman natin ‘yung totoo. We don’t know why things happen. Pero let’s just ride this until it ends. Tapos nag-grant siya ng bail kasi there’s no evidence,” kuwento ng dating beauty queen na kabilang sa teleseryeng Sanggang Dikit FR na pinagbibidahan ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na mapapanood sa GMA 7.
At ramdam pa raw nila ang trauma sa mga pangyayari. “And I don’t think what happened… hindi kayang kalimutan ‘yun kasi alam mo ‘yung parang isang araw okay lang kami tapos biglang binangga kami ng bus. Tapos dinala ka sa isang lugar na hindi mo naman kilala kung bakit ka nandoon kami. Dinadalaw ko siya lagi. Pero at the middle of it, sabi ko, I think what advantage is that alam naman namin ‘yung totoo. And we have nothing to hide. So sabi ko, let’s just ride what’s happening now. Matatapos din ito,” dagdag pa niyang kuwento sa amin.
So, wala kayong idea kung kailan maki-clear ‘yung name niya? “Hopefully, maybe a year. Kasi ‘di ba, minsan napo-postpone pa ‘yung mga hearing. Pero, thank you for the prayers. Tsaka ang laking bagay na walang naniwala. Kasi, actually nagulat na nga lang lahat. Lahat ng mga kaibigan niya sa industry. So, sabi ko, kahit hindi na nga dasal eh but the fact na, alam din nila ‘yung totoo. Kilala nila si Ricardo. Tsaka wala kaming narinig na kwento. Alam ninyo ‘pag may nangyaring ganyan, may mag-uungkat ng past ng tao, wala kaming narinig. Wala at all,” sabi pa ni Ms. Marina na talagang tyinaga ang paglipad sa Tuguegarao para dalawin noon ang mister.
Sa ngayon bukod sa pag-arte ay abala rin siya sa TikTok live selling.
“What I do, I also support ‘yung local bag manufacturers. And incidentally kasi ako ‘yung isa sa mga unang buyer nila sa mga TikTok live nila. Kasi konti lang kasi nanonood sa mga live nila noon. So I buy, and then ‘pag nagustuhan ko, gagawan ko ng video to support them and even include it sa live sell ko. And I always talk about them.”
So parang advocacy mo na rin, to support local brands? “Oh yeah, actually, minsan nga, ‘yun ang dahilan ko, why I do my live na lang kasi kung walang gagawa, wala.”
Anyway, kabilang nga si Marina sa maraming character sa Sanggang Dikit FR, directed by L.A. Madridejos na mapapanood from Monday to Friday at 8:50 p.m. on GMA Prime umpisa sa June 23.
