Kontrabida na sa TV, pati ba naman sa mga anak? Iyan ang ayaw na style ni Gladys Reyes pagdating sa parenting, na ishe-share niya sa hearing/vodcast na Your Honor.
Kasama ang hosts na sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar, ipapatawag nila ang resource person na si Gladys para sa usaping, “in aid of parenting: kontrabida ba ang namamalo?”
Sa hearing na ito, pagkukuwentuhan ang iba’t ibang paraan ng pagdidisiplina sa mga anak at alamin kung effective pa ba ngayon ang pamamalo sa bata.
Maaaring abangan ang Your Honor sa livestream tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel. Mapapanood din ang episodes sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.
