Emote ni Carla sa tubig, sinagot!


Sumagot ang PrimeWater sa emote ni Carla Abellana na nag-viral tungkol sa paniningil sa kanya nito.

“Hi Ms. Carla, May we kindly follow up regar­ding the status of your payment?­

“Kindly be informed of the disconnection schedule today,” nakasaad sa email sa actress.

At sinagot ‘yun ni Carla sa email din pero naka-post sa kanyang Instagram stories.

“Okay lang po. Halos wala din naman po kayo supply na tubig everyday, so parang ganun na din naman po. But anyway, here’s the payment,” sabi sa reply ng actress na dinagsa ng iba’t ibang komento.

At kahapon nga ay naglabas ng statement ang PrimeWater Tagaytay:

“Nauunawaan po ng PrimeWater Tagaytay ang mga concern ni Ms. Carla Abellana tungkol sa kanyang billing at karanasan sa serbisyo sa tubig.

“Gaya ng lahat ng aming concessionaire, mahalaga po sa amin ang inyong saloobin at nais naming bigyang sagot ang mga hinaing.

“Aktibo pa rin po ang account ni Ms. Abellana, na may minimum consumption na 1 cubic meter. Kaya po siya nakatanggap ng buwanang bill na ?194, kasama ang ?20 na meter maintenance charge. Lahat po ng aktibong account ay may minimum billing bawat buwan, ayon sa standard na patakaran.

“Nagtungo din ang aming team sa lugar ni Ms Abellana at nakausap ang caretaker upang ipaliwanag ang sitwasyon, at mag-alok ng tulong.

“Ang PrimeWater po ay nagsasagawa ng araw-araw na water delivery para maibsan ang abala sa mga apektadong kabahayan sa mga lugar na may mababang pressure o walang supply. Nauunawaan po namin na mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang maayos na suplay ng tubig. Kaya’t patuloy po kaming nagsisikap na mapabuti ang kabuuang sistema ng tubig sa Tagaytay, alinsunod sa mga itinakdang proseso at habang patuloy na nagbibigay-tulong sa bawat concessionaire na nangangailangan.

“Bukas po ang aming linya para sa anumang karagdagang katanungan o concern. Maraming salamat po,” ang kabuuang pahayag ng PrimeWater na pag-aari ng pamilya Villar.

Habang sinusulat namin ito ay wala pa ulit sagot si Ms. Carla sa paliwanag ng PrimeWater.

Or sasagot pa kaya siya?

Or pwedeng tinawagan na lang daw niya si Sen. Mark Villar at saka inireklamo ang nasabing notice of disconnection, komento ng isang source.