Actress / singer, naudlot ang paglaladlad


Natapos na lang ang Pride Month, pero hindi pa rin officially naglaladlad ang isang singer / actress na diumano’y hiwalay na sa asawa at umamin na sa ina na isa siyang ‘gay.’

Kumpirmado na nga raw na miyembro ito ng LGBTQIA plus pero ‘yun nga nag-expect ang ilang taga-showbiz na aamin ito in time sa Pride Month na hindi naganap.

Carlos at Chloe, matamis ang selebrasyon ng 5th anniv

Ahh limang taon na pala ang relasyon nina Chloe San Jose at Olympic Gold medalist Carlos Yulo.

Ito nga ang ibinida ni Chloe sa kanyang Instagram page. At matamis ang kanilang batian sa isa’t isa : “5 years?? That’s half a decade of love, laughter, lessons, and leaning on each other

“I still can’t believe how fast time flew, like what we always ask each other, “sabi nila bumabagal daw yung oras pag mag kasama, bakit yung sa atin ang bilis?!”

“I’m so grateful to the universe for writing this life with you in it. We’ve grown so much and have been through a lot, individually and as a team and I’m just really proud of us, mahal. Thank you for making love feel safe and steady.

“Happiest 5th anniversary, dada!! Here’s to more years of choosing each other: on the good and hard days, more memories and random “let’s book a flight” moments and everything in between

“My heart is forever yours, my baby. I love you, eternally and always,” buong message nito.

Na sinagot naman ng atleta ng: “Happy 5th anniversary mahal ko!

Mula sa palitan ng mga matatamis na salita papunta sa mga matatamis mong labi, sa mga yakap mong hinahanap ko palagi. Sa presensya mong nakakahawa ng saya at pag mamahal mong walang katumbas. Dati sa cellphone lang kita nakakausap at nakikita, ngayon araw araw na tayong magkasama thank you G!

“Lord God marami pong salamat sa regalo nyong anghel na nagsilbing gabay para matuto, maging mabuti, magmahal at higit sa lahat mas mapalapit SAYO. Aalagaan, mamahalin at poprotektahan ko po ang lahat ng ito. Grateful and thankful po ako sa mga challenges and blessings na binibigay nyo po para mas patatagin at mas mahalin pa namin ng husto ang isa’t isa.

“Muli, maligayang anibersaryo sa atin mahal ko? mahal na mahal kita

“ – DADA”

Musta na kaya ang pamilya ni Carlos?