Albee Benitez, lusot sa demanda ng dating asawa?!


Ivana, nagbabakasyon?!

Wala pang official statement, pero pinag-uusapan na ibinasura na ng Makati City Prosecutor’s Office ang criminal complaint na inihain laban kay Bacolod City Rep. Albee Benitez ng kanyang estranged wife, Nikki Lopez, dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 9262, na kilala rin bilang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Diumano’y walang naipakitang malakas na ebidensiya sa korte ang reklamo sa pulitiko ng dating misis.

Maaalalang nagulat diumano ang ilang malalapit kay Cong. Albee sa nasabing reklamo ng misis nito na kumalat sa social media ang sworn affidavit na diumano ay biktima siya ng psychological abuse sa loob ng 21 years.

Sa nasabing petition ay sinabi rin daw ni Cong. Albee na may dalawa rin siyang anak sa ibang babae.

“It was only when I received the Petition for Declaration of Nullity of Marriage filed by Respondent and after reading the admission of Respondent of having fathered two (2) illegitimate children.

“I felt utterly betrayed by the Respondent and was devastated beyond compare after finally discovering and confirming the truth in Respondent’s lies,” nakasaad sa affidavit na kumalat.

Ayon sa dokumento, sa Makati City Regional Trial Court, isinampa ang reklamo.

Pero ayon nga sa sources, antagal na nilang hindi nagsasama bilang mag-asawa.

Almost 21 years na diumano.

Kumpisal pa ng sources, nagkaroon na diumano ng dissolution of assets nung 2003 pa ang dating mag-asawa.

Kaya certified single diumano ang pulitiko/movie producer na iniuugnay ang pangalan kay Ivana Alawi na nasa vacation mode raw sa kasalukuyan.