Pasabog kaagad ang sanib-pwersa ng Unilab at Mercury Drug kung saan pagsasamahin nila sa one-night-only concert na Alagang Suki Fest 2025 bilang pagdiriwang ng kanilang 80th anniversary ang malalaking OPM artist.
Yup, kabilang sa mga magpe-perform sa Araneta Coliseum sa July 31 sina Gary Valenciano, BINI, Maki, Darren Espanto at ang alternative rock band na Mayonnaise. Bukod sa mga nabanggit, inaasahan din ang pagdalo ng ilang Unilab endorsers tulad ni Belle Mariano at marami pang iba.
Sa appreciation lunch na idinaos para sa entertainment media nitong Lunes, sinabi ni Claire de Leon-Papa, Unilab assistant vice president for external affairs at head ng social partnerships, “Isa itong pasasalamat, lalong-lalo na sa mga suki, suki ng Unilab at suki ng Mercury Drug. Kaya siya tinatawag na Alagang Suki.”
Dagdag pa ni Claire, naging malaking konsiderasyon sa pagpili ng performers ang timpla ng publiko sa ngayon.
“Kung sino ba ‘yung mga artist na gusto ng ano, ng mga… especially ang mga suki natin. That’s why you have the likes of Gary Valenciano and then ‘yung BINI, Mayonnaise and our generation.
‘Yung pulso. Kasi, whenever we do the rounds, siyempre we also check kung sino ‘yung mga artists na gusto nila. This is really more of a treat to our suki so isa-isang pasasalamat ng Unilab at ng Mercury Drug para sa kanilang mga suki and then hopefully, maraming makaka-join siyempre, kasama na lahat kayo,” patuloy niya.
Ang Alagang Suki Fest 2025 ay selebrasyon din umano ng pagiging resilient ng Pinoy sa kanya-kanyang mga buhay, negosyo, wellness at spirit of community and togetherness.
Nauna rito ay nagdiwang na rin ang Unilab ng 80th anniversary sa PhilSports Arena, na nilahukan ng mahigit 4,000 employees at partners.
Isa nga sa mga naging highlight nito ang pagsulong sa bold vision ng kumpanya na patuloy na maging future-ready at innovation-driven healthcare leader.
Samantala, maaaring maka-score ng complimentary concert tickets ang Alagang Unilab Rewards members at Mercury Drug Suki Card holders.
Bumili lamang ng Unilab products at mag-earn ng 100 points gamit ang Mercury Drug Suki Card, mag-checkout at i-upload ang mga resibo sa Alagang Unilab Rewards Facebook Messenger.
Limitado ang uploads sa tatlo kada-araw.
Matapos ma-upload ang mga resibo, makakatanggap ang consumer ng unique offer code na pwedeng i-redeem sa Ticketnet.
Ang promong ito ay tatagal hanggang July 20.
