Benjamin, hindi na naninibago sa isyung kabadingan!


Hindi na bago para kay Benjamin Alves ang mga akusasyon tungkol sa pagiging bading diumano ng aktor. Hindi na lamang daw nagpapaapekto ang aktor sa naturang akusasyon sa kanya. “No, not at all. It slowly evolved to other accusations. It’s part of the job, parang gano’n naman po ‘yon eh. Now, nawala na siya. I think being 12, 15 years in the business (nasanay na),” nakangiting pahayag sa amin ni Benjamin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ginagampanan ngayon ng aktor ang karakter ni Wilfred sa seryeng Akusada na pinagbibidahan nila nina Andrea Toress at Lianne Valentin. Malaki umano ang pagkakapareho ni Benjamin sa naturang karakter at sa tunay na buhay. “More or less pareho naman po kami. Hopeless romantic po si Wilfred, hopeless romantic naman po ako,” pagbabahagi niya.

Isa’t kalahating taon nang kasal sina Benjamin at Chelsea Robato. Mayroon umanong isang katangian si Chelsea na talagang nagustuhan ng aktor. “May certain lightness siya na hindi nawawala despite sa kung ano mang pinagdadaanan. Sa amin, even with her life, may lightness na hindi nawawala. Naririnig nila sa akin ‘yan sa taping kami late at night na. ‘Gusto ko nang umuwi sa asawa ko.’ Kasi nga she’s your reason to wake up and reason to come home also,” kwento ng Kapuso actor.

Ralph, handa nang magpaseksi

Isa si Ralph de Leon sa mga sumikat dahil sa pagiging housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Kinakikiligan ng mga manonood at sinasabing pinagpapantasyahan ng ilan si Ralph dahil na rin sa magandang pangangatawan ng binata. “Actually, nakita ko ‘yung mga edits, ‘yung mga posts about my body and the bodies of the other housemates. And I think we all can take it with a grain of salt. Siyempre there are boundaries to everything. As long as it’s done with respect, siyempre I appreciate it also,” makahulugang pahayag ni Ralph.

Wala umanong magiging problema sa Kapamilya actor kung sakali mang magpaseksi sa mga gagawing proyekto. “With regards to the project naman, if it’s a good project, if it’s something that I really wanna do and it requires also for me to show some skin, then why not?” giit ng binata.

Sisikapin umano ni Ralph na pagbutihin ang bawat trabahong ipagkakaloob sa kanya. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa suportang ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga. “I will make sure not to let them down. And I feel like I will do the same with anything else I do in my life whether it’s sa work or sa relationships. Siyempre it’s gonna be a lot of work. I’m gonna keep doing workshops, keep improving my craft. And I feel like, if ever magkaroon ng project, serye man ‘yan o movie. I really will prepare,” paglalahad ng baguhang aktor. (Reports from JCC)