Ate Hong sa WTFu | Pilipino Star Ngayon


Sa mga sitcom noon, isa sa paborito ko ang “Abangan ang susunod na Kabanata” ng ABS-CBN na likha ni Direk Jose Javier Reyes. (aliw ang baliw baliwan characters dito!) Ginawa ko pa ‘yang book report noong high school. (bilang lagi naman ako watch nyan every Monday night!) Hindi ko lang sure if pwede pa ang mga ganitong klase ng palabas sa tele-bisyon na nagpapakita ng satire o spoof ng mga pangyayari sa paligid. (marami na kasing sensitive ngayon ha!)

‘Yang programang ‘yan ang pumasok sa isip ko nang tanungin ako ng Head of Productions and Director ng youtube channel naming WTFu, kung ok lang daw na magkaroon kami ng special episodes kung saan may lalabas na spoof ng character ng kumalat na viral video sa China. (alam na ‘yan ni Aling Tasing!) Ang sagot ko naman ay, “We can try.” (so go na ‘yan!)

Nakahanap agad ang production team ng taong gaganap sa karakter. (bilang bawal ang babagal bagal kay direk!) May mga pangalan silang naisip, pero ako na ang nagbinyag.

Tinawag ko siyang “Ate Hong” (bilang tahong ang kinain ko before ng taping!)

Mapangahas ang viral videos na made in China. (dami talagang gawa sa China ha!) Umabot pa nga raw sa 1,691 videos. (iba ang resistensya ni akla!) Pero si Ate Hong, special appearance lang sa ilang episodes ng WTFu. (wala akong balak, gawin syang regular!)

Simple lang ang instructions namin kay Ate Hong. Bigla siyang lalabas sa eksena kung saan sasalang na sa challenges ang aming male guest. Siya na bahala sa magiging atake nya sa kanyang role. (role daw o?!) Syempre actingan lang ito, kaya hindi tototohanin ang anumang eksena. Alam din ng guest na may Ate Hong. (parang na-excite pa nga sila!)

May dalawa nang nasampulan si Ate Hong sa mga hunks naming guests. (ano kayang sample ang ginawa?!)

Isang body builder na sumasabak sa mga sexy roles sa isang streaming platform at isang dating waiter na na-disco-ver na maging artista. Mapapanood na ‘yan sa WTFu on youtube. (‘di sila pumalag kay Ate Hong ha!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com