Komedya sa lupa, ipalalabas na sa mga sinehan


Ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Isang Komedya sa Langit ng independent producer na si Rossana Hwang ng Kapitana Entertainment Media na pinagbibidahan nina Carmi Martin at Jaime Fabregas.

Bukod sa pagiging producer, siya rin ang nagsulat ng kuwento.

“I want my story to be told to everyone. I’m very, very grateful to director Roi (Paolo Calilong), as well as the lead cast — Carmi Martin and Jaime Fabregas,” sabi ni Kapitana Rossana sa ilang kausap na entertainment press. Isa siyang totoong former Kapitana sa exclusive village sa Makati.

Anyway, ang pelikula ay inspirasyon din mula sa kanyang libro na The Lost Saints.

Nauna na niyang iprinoduce ang The Women of Tonta Club (2021) starring Nova Villa, Tetchie Agbayani and Tina Paner na dinirek ni Xian Lim.

Pero kakaiba itong latest project niya, aniya, tatawa ka, maiiyak at mai-inspire na isang historical fiction-comedy set in the Spanish era na isa umanong heartwarming blend of comedy, fantasy and drama na mapapanood na sa May 28 sa mga sinehan.

At si Rosanna ang personal na pumili kay Jaime na gumaganap bilang pari na familiar na familiar na sa bidang actor, ang pagiging Father Garcia niya ang nagdala ng bagong hamon sa kuwento nito.

“Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako gumanap bilang pari. Well, may challenge pa rin kase hindi naman lahat ng pari ay may pare-parehong character,” sabi Jaime.

Batay sa mga personal na karanasan, sinabi ni Jaime na minsan siyang nagsilbi bilang isang altar boy sa Naga Cathedral.

Gumaganap naman sa pelikula si  Carmi Martin, bilang si Naty, na unang ini-offer kay Nova Villa.

Sa pagyakap sa proyekto nang walang pag-aalinlangan, nakita ni Carmi ang magandang pangako sa kuwento ng pelikula.

Si Carmi ay personal na na-recruit ni Rosanna sa pamamagitan ng Barangay Chairman ng Magallanes Village sa Makati, isang pagsisikap na nagpapakita ng kanyang passion at hands-on commitment sa craft of filmmaking.

Kasama rin sa pelikula ang rising talent na si Aki Blanco, portraying Brother Marco na napanood sa pelikulang The Last 12 Days, managed by Tyronne Escalante.

First time naman na gumanap na lola ni Carmi at happy siya sa ginawa.

“I want to make sure that I’m happy with my look in this film. I also want to make sure that we will no longer make the necessary adjustments when we get to the set. I want to make sure, as an actor who has been in the industry for a long time, I came prepared and happy with my look,” sabi nang gumanap na funky at sexy lola.

Happy rin si Kapitana sa kanyang direktor, si Direk Roi Paolo Calilong. “I met so many people. He’s one of the people na easy to work with plus magaling. Very funny and he handled a lot of things in the movie. And kapag may hindi siya gusto pinag-uusapan naming mabuti and I accepted it kung ano ‘yung sa akala niya rin eh mas magandang ilagay sa movie namin.

“Example sa ending, bago kami dumating nag-debate kami ng matagal. Gusto ko kasi the way I wanted to end. He said it cannot be like that. Tapos there’s a part na idinagdag niya na hindi dapat. On my sight it was very good.  apos many things there we did not agree, example may salitang ‘gago.’ Sabi ko, ‘no I don’t want.’ Sabi ko, I just want it to be respectable, to bring back those ugali. You can be modern but be respectable,” say pa ni Kapitana.

Ayon pa kay direk, umaasa siyang magiging inspirasyon din ito ng mga Filipino para ibalik ang essence values ??ng pagi­ging Filipino.  “When I entered the film, buo na siya. The cast was already there. May design na. May vision na si Kapitana. I just helped to mount it.”

Unexpected ang directorial debut ni Direk Roi na nag-umpisa bilang actor sa in PETA (Philippine Educational Theater Association) noong 2008.

Bukod sa pagiging theater actor, matagal din siyang naging assistant director na malaki ang naitulong upang hindi siya mahirapang magdirek nitong Komedya sa Langit..

Kabilang sa mga nakatrabaho niya bilang AD for television sina Bert de Leon, Phillip Lazaro, and Chris Martinez.

“That’s why comedy, sitcom and gag shows ang naging training ko,” sabi ni Direk Roi.

Naging AD rin siya sa iWant TFC TV series, Mga Batang Poz (2019).

“My vision ko rito ay parang inspired sa GomBurZa pero may time travel effect. Ang kuwento niya parang may tatlong pari na bibitayin ng 1800’s tapos hindi sila namatay. Akala nila namatay sila kaya nga langit, pero na-transformed sila sa present parang ganoon. Para matutunan kung paano aayusin ang problema of the revolution.

“So parang Philippine history/back to the future etc parang ganoon,” kuwento pa ni Direk Roi.

“Ang ibig sabihin ko sa theatrical halimbawa may eksena kami na revolution, patayan sumugod ang mga Katipunero. Sa Heneral Luna, Goyo’ dugo ang makikita, patayan, barilan. Dito walang ganoon dahil ‘yun nga ang atake due to production cost, time constraint, nag-end pa kami roon, nagkasundo kami ni Kapitana na ganoon din ang gagawin para ma-meet namin, na parehas pa rin kami ng objective, parehas pa rin kami ng gustong mangyari. Nakikita natin na nag-away sila. Comic, theatrical yet andoon pa rin ‘yung intention ng mga tao ng revolution,” wika pa ng direktor.

Dream project ito ni Kapitana Rossana at umaasa siyang marami ang makakapanood ng pelikulang ito na palabas na sa May 28 sa mga piling SM Cinemas nationwide.