Alden, nailaban ang ride sa pinakamataas na daan sa Europe!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

September 16, 2025 | 12:00am

Halos sumuko pala si Alden Richards sa kanyang ride sa sikat na lugar sa Italy sa pagiging pinakamataas na pass ng kotse at ang pangalawang pinakamataas sa Europa, ang Passo dello Stelvio.

Talaga raw nakipaglaban ang baga niya, at halos mag-collapse na ang binti niya at nalilito-lito na ang pag-iisip niya.

Pero naalala niya, inumpisahan niya na ‘yun.

“One of my most difficult ride so far.

“A place where pro cyclists train with the likes of Tadej Poga?ar and others.

“No flat roads only climbs, with gradients minimum of 4% and a maximum of 16% for 31km,” sabi ni Alden sa kanyang caption kalakip ang reel video ng kanyang pagsabak ng pagbibisikleta sa napakandang lugar sa Italy.

At ang tinutukoy niyang si Tadej Poga?ar ay ang pinakamahusay na batang rider na kilala sa nickname na Pogi star at isang  Slovenian cyclist.

Dagdag pa ni Alden sa kanyang caption : “I almost gave up, lungs struggling, legs collapsing, thoughts in conflict…but then I realized why I started this journey.

“These are moments I can call my own, my bike, my endurance, my skills, my climbs.

“At the end of the day my only competitor is myself…no one else.

“Stelvio, you’ve been very painful but you taught me a lot, I will come back for you…better and stronger!

““Chi va piano, va sicuro e lontano”

“P.S  : Cried in silence while eating a hotdog sandwich after reaching the finish line.”

Ang galing naman ni Alden. Hindi lang niya nabanggit kung sinong kasama niya sa nasabing journey.