Andres, pinakilig nang todo si Ashtine!


Anna Pingol — Pilipino Star Ngayon

August 17, 2025 | 12:00am

Mahigit tatlong oras dumadagundong ang Araneta Coliseum noong isang gabi during the Vivarkada Ultimate Fancon and Grand Concert ng Viva One.

Kanya-kanya kasing tili sa mga niru-root nilang loveteams.

Palakihan din ng tarpaulins at neon-lighted name signs ang fans na mas maaga pa yata sa production staff nagdatingan.

In fairness, ang smooth ng show. Hindi lang talaga kumasya sa dalawang oras lang dahil sa rami nila. Lahat nabigyan ng highlight at patalbugan sa numbers.

Isa sa personal favorites namin ang explosive sexy numbers ng Univerkada. Kilometro ang sinayaw ng girls, habang Maharani naman ng Alamat ang sa boys.

Bet din namin ang solo number ni Atasha Muhlach (representing Bad Genius The Series), where she sang her upbeat single na Handa na Ako.

Ang sexy niya sa number na ‘yon at may pagka-buwis-buhay sa dulo na tuloy pa rin ang kanta kahit nakapatiwarik siya, ha.

After that, sinamahan siya nina Jairus Aquino at HyGab (Hyacinth Callado at Gab Lagman) tandem sa stage for their song-and-dance version of Kasmala na theme song ng Bad Genius.

Si Atasha ang mismong nag-introduce sa cast ng Ang Mutya ng Section E na muling nagpadagundong sa Araneta.

At matapos ang kanilang hyper na group number, nagsolo si Ashtine Olviga para kantahin ang latest single niyang Sa Panaginip Na Lang. Sumunod sa kanya si Andres Muhlach singing Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko.

That night, ipinakita na rin ang patikim para sa AMNSE Book 2 (The Dark Side) na nangangamoy intense drama. ha. November 21 na pala ang pilot nito sa Viva One.

At s’yempre, hindi p’wedeng wala silang number as AshDres. Pinakita muna ang trailer No. 2 ng pelikula nilang Minamahal na showing na on Sept. 24. First time itong makikita ng fans. Akala namin, wala nang ilalakas ang tilian pero nang ipakita ang eksena na nagtabi sila sa kama at nagtalukbong, nayanig ang Araneta sa kilig.

Matapos noon ay umawit na ang AshDres ng theme song ng pelikula nila na halos ‘di mo maintindihan ang words dahil sa ingay ng tilian. Paka-sweet naman kasing magtitigan nu’ng dalawa. And just like what they did sa two-days fans day ng AMNSE sa New Frontier earlier this year, nagyakapan din sila after ng song. Tapos, kiniss ni Andres si Ash sa noo.

Haha! Pero ka­kabitin.

Ibinigay ng Viva One kay Andres ang last words for the night. Hindi maubus-ubos ang pasasalamat niya, in behalf of everyone.

Sa punong ito, may mga ipinakikitang fans sa screen na nag-iiyakan sa saya.

“And lastly…” say ni Andres sabay titig kay Ash na ikinatili na naman ng fans nila. “Ashtine Olviga, I’m really, really proud of you. Do you see this? Ang galing! Ash, I truly wanna say that I truly I appreciate you… I started my journey with you and I wouldn’t have wished to have done it with anyone else. You are not only a blessing in my life, but a blessing to many of us here…”

Pati kami napapatili na at this point. Haha!

Lalo na noong hampasin ni Ash si Andres na tila expression na kinikilig din siya.

“Nagulat ka ba?” tanong ni Andres kay Ash.

“Oo, na-speechless ako. Wala akong masabi. Pero proud na proud din ako sa’yo and sana happy ka din na ikaw ‘yong kasama ko ngayon dito.”

Parang may gusto pa silang sabihin kaso ay naka-cue na si Atasha na biglang umapir sa stage na nanunukso. “Grabe naman! Yeee! Kilig ang kambal ko, ha!” tili ni Tash. “Grabe, nakakakilig dito!”

Nagtapos ang concert with the Daleng’Dale number na kasama lahat at pinamunuan ng GAT. Riot nito at ang saya-saya nilang tingnan lahat.

Pero wala nang sasaya pa sa ngiti ng Viva bosses—na all present—that night dahil nakapagpasikat na naman sila ng mga new-gen of loveteams and idols na nagpapasaya sa maraming tao ngayon at patuloy ring nagpapalakas sa Viva One app nila.

Congrats, Viva!