Kaloka na mukhang napikon na raw si Anne Curtis sa mga basher na kung anu-ano ang tinatawag sa kanya dahil sa tambalan nila ni Joshua Garcia sa Pinoy adaptation ng Korean drama na It’s Okay To Not Be Okay.
May nagkomento raw kasi ng “Joshua & Anne??? Really??” na sinagot ng aktres ng “YES! REALLY!!!!!!!!”
Sinasabi kasi ng mga basher na masyado na raw matanda ang It’s Showtime host kay Joshua at hindi raw bagay na magtambal ang mga ito.
Tinawag pa siyang matrona, at mukha raw mag-tita, mag-ina, mag-ate at kung anu-ano pa.
‘Kaloka.
Baka naman nagawan ng paraan ng ABS-CBN iyan na alam naman nating magaling silang mag-‘magic’ ng ganyan.
Hintayin na lang muna nila ang rehistro ng dalawa sa seryo noh, ‘wag agad husgahan.
Malay natin, baka gulatin na lang tayo na bagay naman pala sila.
Sey naman ng mga tagahanga ni Anne ay excited sila dahil mas tutok sila sa pag-arte ng mga ito kaya dedma sila sa edad ng dalawa.
Na dapat naman.
Ang ganda ni Anne noh, ang mga basher ba may ganda?
‘Prayers do wonders’
May moments na lungkot na lungkot ako na ewan ko kung dahil sa dialysis session ko.
May moments na tinatanong ko kung bakit andito pa ako.
Ayokong i-encourage ang down feeling ko kaya lang kung minsan talagang malakas ang tama niya.
Baka dahil sa edad ko kaya ganito ang emosyon ko.
Ayoko ng ganitong pakiramdam dahil affected ako at ayoko namang mag-self-pity sa edad kong ito.
Siguro dahil wala rito ang mga anak ko, kasama ko lang ang kasambahay ko na sina Mel at Celia kaya iba ang aura sa paligid ko.
Talagang excited ako ‘pag may lunch invitation si Pat-P Daza dahil tiyak nandu’n ang barkada at masaya ang chikahan.
Looking forward din ako palagi na makita at makausap ang mga itinuturing kong barkada.
Excited na excited din ako sa darating na EDDYS ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) dahil shining moment ito ni Salve.
Ngayon pa lang tiyak ko ang tagumpay nito sa backup ng Brightlight ni Pat-P.
Prayers do wonders alam ko na kahit ano pang pinagdaraanan ko emotionally malalagpasan ko dahil tutulungan ako ng Langit.
Sobra na nga ang blessings ko. Imagine hanggang ngayon nandito pa ako, hanggang ngayon inaalagaan pa rin ako ng Langit.
So many things to be thankful and grateful for.
Bongga.
