Bagong karelasyon ni Julia, kapatid ng mister nina Erich at Claudia!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

September 17, 2025 | 12:00am

May name reveal ang reliable source namin sa old rich businessman na diumano’y ‘constant’ ngayon ni Julia Barretto.

Na kung makakatuluyan daw ito ni Julia, tiyak na iiwan na rin ng actress ang showbiz.

Equestrian daw ito pero ngayon ay CEO ng RestaurantConcepts Group, Inc. (RCGI), si Lucas Lorenzo.

Si Lucas ay kapatid ng mister nina Erich Gonzales and Claudia Barretto, sina Matteo and Basti Lorenzo.

Yup, brother ito ng husband ni Claudia na sister ni Julia.

At ang interview ni Lucas sa tatlerasia.com ang ipinadala ng aming source.

Ang tungkol sa kanyang pagiging CEO sa RCGI na kinabibilangan ng mga fine dining restaurants : Barcino, Bluesmith, Meat Depot, and Single Origin.

Kaya’t tinalakay doon na isa sa mga pinakamalaking hamon na nakikita niya (Lucas) sa mga nasabing sosyal na restaurant ang mabilis na paggalaw o pag-evolve ng food and beverage industry.

At upang matugunan aniya ito, plano niyang manatiling nangunguna sa mga trend, pasiglahin ang mga pagbabago, pahusayin ang pagpapatakbo, unahin ang pagpapanatili, at mag-invest sa talent development. Sa kabila ng mga hamong ito, nakahanap daw ang sinasabing diumano’y karelasyon ng anak nina Marjorie Barretto and Dennis Padilla ng positibong epekto ng RCGI sa mga guest at team members ayon pa sa nasabing article. “Seeing the joy on a customer’s face as they savour a delicious meal or hearing appreciation from a team member who feels va­lued is incredibly fulfilling,” banggit niya sa nasabing interview.

Nakasaad pa sa nasabing article na “As a visionary leader, Lucas is committed to setting clear goals and inspiring others to reach their full potential. “I believe in dreaming big and challenging the status quo,” he says. By articulating a compelling vision for the future and rallying the team, Lucas hopes to motivate others to embrace change and grab opportunities when they can.”

Wow, ang suwerte naman ni Julia pag nagkataon.

Hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling tahimik sina Gerald Anderson ang Julia sa kanilang breakup.

At kung miyembro ng alta sociedad/old rich family si Lucas, isang volleyball star naman ang nali-link sa actor. Ito ay ang Cignal HD Spiker na si Vanie Gandler.

Actually, ilang weeks na itong lumalabas, I mean ‘yung tungkol sa actor at volleyball player.

At medyo nagkaroon ng confirmation nang magkomento ang tita ni Julia na si Claudine Barretto sa interview ni Ogie Diaz na “Basta hindi na ako nanonood ng PVL (Premier Volleyball League).”

Last May pa lumabas ang isyung hiwalay na sina Gerald at Julia pero walang umaamin.

Si Gerald ay tila undenial pa base sa kanyang mga naunang pahayag.

Bilyonaryo rin ang kasalukuyang karelasyon ni Bea Alonzo na ex din ni Gerald, si Vincent Co.