August 11, 2025 | 12:00am
Nagre-react na ang ilang stars ng isang talent management sa sobrang pag-asikaso sa magandang girl na gusto nilang bigyan ng magandang project.
Sikat siya ngayon sa social media at dumami naman talaga ang fans, kaya tuwang-tuwa ang management team nito dahil puwede na raw talagang gawing bida sa isang drama series.
Pero ang tsika sa akin ng ilang artistang nakatrabaho nitong si magandang girl, ang hirap daw paartehin.
Siyempre, hindi naman popularity lang sa social media. Dapat may talent ka talaga, para magtagal ka sa industriyang ito.
Kaya suggestion nila kay magandang girl, dapat na dumaan muna talaga siya sa tuluy-tuloy na acting workshop para matuto na siya at hindi kahiya-hiya kapag mabigyan ito ng magandang project na pagbibidahan niya.
Walong libong… Actor, lumawlaw ang betlog!
Hanggang Aug. 16 pa mapapanood ang napaka-daring na stage play na Walong Libong Piso na ginaganap sa Teatrino Promenade sa Greenhills.
Tampok sina Paolo Gumabao, Drei Arias, John Marck Marcia at Juan Paulo Calma sa naturang psychological play.
Sa loob ng isang araw ay dalawa ang nag-perform, at hindi maiwasang pagkumparahin silang apat.
Sino mas bongga at mas mapangahas sa performance?
Hindi nagpahuli si Juan Paulo Calma, sandaling nagpa-frontal nudity at halos 30 seconds ding nasilip ang betlog sa eksenang nag-macho dancing.
Hindi symmetrical ang pagkakataas niya ng brief kaya naiwang nakalawlaw ang kanang betlog niya.
Hindi naman daw niya sinadya ‘yun.
“Hindi! Nakapa ko na lang, kung hindi ko pa naano ‘yun, maaano pa sana. Muntik pang tumagal! Hindi ko kasi napansin, medyo alam mo naman… ‘yung…,” natatawang bulalas ni Juan Paulo Calma.
“Okay naman po ‘yung experience ko rito sa first sabak ko sa theater. And ayun po, sobrang pressure siyempre,” pakli ni Juan Paulo.
“Hubad po kasi ito, saka sa personal. Hindi po ako sobrang sanay sa ganyan karaming tao,” dagdag niyang pahayag.
Nakapag-frontal nudity si Juan Paulo sa ilang VMX movies, pero iba itong sa entablado, kaya inaabutan pa siya ng hiya.
“Oo naman po, totoo naman po ‘yun na mas nahihiya talaga po ako kapag sa personal,” pag-amin ni Juan Paulo.
“Kapag sa pelikula po kasi, medyo may gap. Tapos puwedeng mong iano. E dito po kasi, all-out.
“Kaya po medyo per second lang ‘yung inaano ko para at least kahit papaano, hindi po bastusan sa play,” dagdag niyang pahayag.
Sa kanilang apat na performers, mas inaabangan at gustong panoorin ang kay Paolo Gumabao.
Ewan ko lang kung makipagtalbugan siya sa hubaran kina Juan Paulo, Drei at Jhon Marck.
“Well, ako, tina-try kong maghanap ng way na gawin siyang interesting without using sexual things.
“Tina-try kong you know, I’ve been trying to work on the character more. Hindi ko masyadong pino-focus ‘yung daring side niya. Mas pino-focus ko kung ano ‘yung totoo doon sa character at the moment,” saad ni Paolo Gumabao.