September 14, 2025 | 12:00am
Ilang buwan na ang nakalilipas nang magkahiwalay sina Bela Padilla at Norman Bay. Umabot ng halos limang taon ang relasyon ng dating magkasintahan. Ayon sa aktres ay ang pagiging malayo sa isa’t isa ang pinag-ugatan ng hiwalayan nila ng Swiss boyfriend. Apat na taong nanirahan si Bela sa London at ngayon at ilang buwan na ring namamalagi sa Pilipinas.
“It was really just the reality of me moving back here. We had a talk, like it was a very mature conversation. We spoke about my moving back here. And I asked him, what are your plans for the next five years, the next 10 years? Do you see yourself moving here also? At that time when we first had that conversation, he very bluntly said no.
“He has a beautiful career also in London, he has such a good job. I feel like he has found his purpose also,” kwento ni Bela sa YouTube channel ni Karen Davila.
Labis na nasaktan ang dalaga sa kanilang hiwalayan ng dating nobyo. Maraming pagkakataong umiiyak na lamang daw si Bela sa tuwing nag-iisa. “I cried a lot. I just saw something recently na parang the first one who speaks up bleeds first. Parang the first one who sees that it’s over bleeds first. And that’s true because I was the one who had to bring up the conversation. So I guess I was in pain way before he was. I don’t know if he saw it too and just didn’t wanna speak up or he didn’t wanna say anything, but I had to be bigger person I guess, and bring up the conversation,” pagtatapat ng aktres.
Kahit nagkahiwalay na ay nanatili naman ang pagiging magkaibigan nina Bela at Norman. Palagi ring magkausap ngayon ang dating magkasintahan. “We talk almost everyday. We are super close friends. Actually, he visited me pa no’ng May. He visited the set of 100 Awit Para Kay Stella,” kwento ng dalaga.
David, maraming kapamilya ang gustong makatrabaho
Sampung taon nang aktibo sa show business si David Licauco. Unang nakilala ang binata bilang modelo at basketbolista bago pa tuluyang sumabak sa pagiging isang artista. Hindi raw inakala ni David noon na papasukin ang pag-arte sa telebisyon at pelikula.
“Feeling ko it’s a far-fetched idea. Growing up, feeling ko no’ng simula, basketball talaga. And then nag-shift siya. Noong pagka-graduate ko, naisip ko na magnenegosyo ako. But then showbiz opportunity came, so here I am,” nakangiting pahayag ni David sa 24 Oras.
Para sa nakilalang Pambansang Ginoo ay malaki ang naitulong sa kanya ng paglalaro ng basketbol sa murang edad pa lamang. “I feel like dahil sa kanya, naging passionate ako sa lahat ng ginagawa ko. Dahil sa kanya, it felt to me na I wanted to reach higher goals,” paliwanag ng binata.
Masayang inalala ni David kung paano siya nagsimula sa pag-arte mahigit isang dekada na ang nakalilipas.
Bukod sa ilang Kapuso stars ay mayroon ding Kapamilya stars ang gustong makatrabahao ng aktor ngayon.
“Gusto kong makatrabaho si Joshua Garcia, napakagaling niyang actor. Kathryn Bernardo, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, nami-miss ko siyang katrabaho eh. And of course Barbie (Forteza),” pagtatapos ng Kapuso actor. — Reports from JCC
