Bulldogs inupuan ang twice-to-beat sa semis


Elech Dawa — Pilipino Star Ngayon

November 16, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Sinelyuhan ng National University ang unang twice-to-beat incentive sa final four matapos nilang pagulungin ang University of the East, 83-74 sa  UAAP Season 88 men’s basketball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Umahon mula sa 18 puntos na pagkakalubog sa third period ang Bulldogs upang sagpangin ang panalo at patigasin ang kapit sa tuktok ng team standings pasan ang 11-2 record.

Tumikada si Jolo Ma­nan­sala ng 21 points at tig- tatlong rebounds, assists at blocks para sa Bullodgs.

Sinakmal ng host school University of Sto. Tomas ang two-game winning streak matapos nilang gilitan ang Ateneo de Manila University, 67-59 sa ikalawang laro.

Nirehistro ni Collins Akowe ang 15 points, 16 rebounds, apat na blocks at dalawang assists upang akayin ang Growling Tigers sa pagrehistro ng 7-5 karta at palakasin ang pagkapit sa magic four.