Tinupad ni Carlos Morales (Carl M. Woodruff, Jr. in real life) ang matagal nang pangarap na makapagdirek ng pelikula.
Maaalalang hindi mabilang ang nagawa niyang pelikula – sexy films – noong taong 2000.
Ilan dito ang Babaeng Putik, Red Diaries, Bigasan at marami pang iba.
At taong 2015 nang sumubok siya sa pagdidirek ng Piring kung saan siya nanalo ng best screenplay at second best picture awards sa 2nd World Premieres Film Festival.
Hanggang nag-aral siya ng filmmaking course sa New York Film Academy noong 2016.
Pero hindi nawawala ang pagiging actor niya kaya’t nagwagi pa siyang best actor sa 7th International Film Festival Manhattan (IFFM) noong 2017.
Hanggang noong 2020, pandemic, nag-decide siyang makipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa ‘di malinaw na kapalaran dulot ng COVID-19.
Malakas ang loob ni Carlos dahil graduate siya ng nursing kaya’t pagdating sa ibang bansa, nagamit niya ang pinag-aralan.
Kumuha siya ng nursing licensure exam sa US na naipasa niya kaagad.
Fast forward : Ngayon ay nasa bansa na ulit siya at tinupad ang pangarap na maging direktor, ito ngang pelikulang Wild Boys na nagkaroon ng special screening noong isang gabi.
“Feeling ko kasi nothing is certain that time. Hindi natin alam kung ano ‘yung extent nung COVID na ‘yun, so pumunta ako sa States, tapos nag-exam ako,” pag-alala niya. “Fortunately, I passed and then, my mom died. Medyo parang na-depress din ako, so I have to stay there for a bit bago ako bumalik ngayon.”
Pero kahit aniya maganda naman ang trabaho niya sa Amerika, hindi nawawala sa isip niya ang showbiz. “Siyempre, passion ko na rin ang filmmaking pati na ang showbiz. So, kung may projects, I will just, you know come back and forth,” sabi niya.
Dream project niya itong Wild Boys na ang target playdate ay Hulyo o Agosto. “It’s a dream project for me. Noong kasing teenage years ko, I was a dancer at gusto ko talagang gumawa ng film na puwede kong maipakita iyong other side ko, which is dancing,” sabi niya pa sa mga kausap na writer.
Maaalala ngang bago siya naging artista, miyembro si Carlos ng Exclusive Dancers, ang dance group na regular na nagsasayaw noon sa That’s Entertainment ni German Moreno.
Nakapagtrabaho rin siya bilang hip-hop dance tutor sa Slimmers World, isang fitness center kung saan nanalo pa siya sa Great Bodies contest ng nabanggit na fitness gym.
At ngayon bukod sa pagdirek ng Wild Boys, ibinahagi rin niya ang original tracks na ginamit sa pelikula ay konsepto niya. “Through the movie, I was able to incorporate iyong passion ko for music. Iyong tracks sa film, lahat siya original. Tapos, binusisi talaga namin iyong pagkaka-conceptualize ng music sa tulong ng beat makers and other artists,” lahad niya.
Kuwento ang Wild Boys ng isang grupo na nawawala na sa eksena pero lumalaban.
Sumailalim pa raw sa fitness training at strict diet ang male cast: “Saludo ako sa cast and crew ko.They are very professional and collaborative. During the shoot, we made sure to set aside our egos to be able to focus on the film,” paliwanag niya.
“Wild Boys is a unique blend of Magic Mike, Step Up, and Stomp the Yard. It’s one-of-a-kind, and we’re confident it will bring joy, excitement, and inspiration to our audience,” pagtatapos niya.
Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Aljur Abrenica, Vin Abrenica, Martin Escudero, Kristofer Garcia, Nico Locco, Hashtag Jimboy Martin, Arwind Santos, Christian Ty, Billy James, Christian Singson, Rash Flores at Pedro Red.
Bukod sa Wild Boys, tapos na rin niya ang pelikulang Rolyo habang nasa production stage na rin ang Latay, isang pelikula tungkol sa hazing na tampok sina Paul Salas, Buboy Villar, Lance Serrano at iba pa.
