Carmina, na-freeze sa ginawa ng pamilya sa kanyang 50th!


SHOWBIZ NEWS NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

August 21, 2025 | 12:00am

Kamakailan ay nagdiwang si Carmina Villarroel ng kanyang ika-limampung taong kaarawan. Sinorpresa ng asawang si Zoren Legaspi at ang kambal na anak na sina Cassy at Mavy ang aktres para sa selebrasyon na dinaluhan ng mga pinakamalalapit na kaibigan ni Carmina.

“Ito po ‘yung istorya kung bakit ako nakaayos. Because ang sabi sa akin ni Cassy, ‘Mom, I got a make-up artist for you.’ ‘Yung nagme-make up talaga sa akin sa taping, si Alex. ‘Why?’ Sabi niya, ‘I called him para you’ll look very presentable and nice. You only turn 50 once.’ So ako naman, oo nga naman, kailangan maganda ako. Siyempre naman kapag magpo-post ako, I want to create memories and pictures na maganda ako. ‘Di naman ako masyado matanong, mausisa. So, I agreed, okay. Isa lang po akong uto-uto. Then ‘yung sa damit naman sabi sa akin ni Mavy, ‘I think Cassy got a stylist for you.’ ‘What?’ Bakit naman kailangan may stylist pa. So ako naman ang naisip ko gastos na naman ‘to. May make-up artist na, may stylist pa. Sabi naman ni Mavy, ‘Because we want you to look good. You’re 50, it’s your birthday.’ Sabi ko na lang, ‘Okay.’ So ‘yon po ang reason kung bakit ako nakadamit at nakaayos. For picture taking purposes po ‘yon,” nakangiting kwento sa amin ni Carmina sa Fast Talk with Boy Abunda.

Matatandaang nasorpresa rin ang aktres sa mismong araw ng kasal nila ni Zoren noong 2012. Kakaibang pakiramdam umano para kay Carmina ang kanyang naramdaman sa araw ng kasal at ang kanyang golden birthday.

“Na-surprise talaga ako nang bonggang-bongga. I was so speechless. I couldn’t move. Gano’n pala ako kapag nasa-shock ako. Nafi-freeze frame ako. You really have to push me para maglakad ako. No’ng dinner, naka-gano’n (nakatulala) lang ako sa pintuan. I didn’t wanna go inside. Si Zoren naman pinu-push ako kasi parang hindi ako makukuhanan ng kamera. ‘Yon ‘yung same feeling na I was really shocked. I was really surprised. Gano’n kasi yata if you don’t expect. Mas lalo kang masu-surprise kasi hindi ka nag-expect,” paliwanag niya. 

Dalawampu’t apat na taon nang nagmamahalan sina Carmina at Zoren. Sa mahigit dalawang dekada ay marami na ring pagsubok na nalampasan ang mag-asawa.

“It was a roller coaster ride. Ngayon parang chill na lang. Roller coaster ang buhay natin not as a couple, kumbaga ‘yung family. Kasi siyempre ang daming nangyari in the past. Ang daming mga pagsubok, of course our life is not perfect. Mayroon talagang mga pagsubok na dadaan, dadating. Pero in the end, we’re still together, intact ang family. Kumbaga na-hurt tayo, yes, na-survive natin ‘yon,” makahulugang pahayag ng aktres.

Para kay Carmina ay kailangang magkaroon ng labis na pagkakaintindihan sa pagitan ng mga mag-asawa. Hindi raw dapat na napapabayaan ang asawa upang magtagal ang isang relasyon. “Actually pareho, since mag-asawa na kayo, you are one. So if you are taking care of yourself, dapat alagaan mo rin ‘yung asawa mo. Huwag mong bigyan ng rason para ma-feel niya na nine-neglect mo siya or wala siyang kausap. Usually sa mag-asawa or sa pamilya kapag nagkakaroon na ng anak, parang nabubuhos na ‘yung atensyon sa anak, nakakalimutan ‘yung asawa. Very thankful naman ako na guilty ako sa part na ‘yon, nabuhos ko talaga ‘yung oras sa mga anak ko. Kasi dalawa kaagad eh, kambal agad eh, one girl, one boy. Gano’n din naman siya (Zoren) very understanding siya kasi anak ‘yan eh. Pero dapat talaga asawa muna,” giit ni Carmina. — Reports from JCC