October 19, 2025 | 12:00am
Walang binanggit na pangalan si Chie Filomeno pero parang may sagot ito sa nangyari sa kanila ni Jake Cuenca kasabay ng blind item tungkol sa isang kaibigan na diumano’y ipinagkanulo siya.
Sabi niya sa isang post na nagkomento pa ang diumano’y karelasyon niya ngayong negosyante na si Matthew Lhuillier.
Umpisa ng sexy star: “It’s a trend to use songs, since that’s what you have been doing. So might as well. It’s your sad boi era i’m in my healing era.
“I didn’t want to teach him how to love me — that’s unfair, so unfair for both of us. We deserve so much better, we all do. I wish him all the best, I truly do but what stings more is that a so-called friend, who knew exactly how I was treated during the relationship, still chose betrayal — even using the internet to attack my character,” sabi niya.
“Mind you, she said she does not want to get involved but did everything to insert herself in the picture that she shouldn’t be a part of.
“And when I finally stood up for myself and confronted her, no reply, no accountability.
“I mean, life is still good! Standing up for myself because I know my worth, I’m finally being treated the way we all deserved to be and I am surrounded by people who truly know me and got my back. Grateful for all of you, on to the next chapter. I hope you find peace,” kabuuan ng post ng sexy star/influencer.
Siyempre may hula kaagad ang netizens.
Wala raw duda na si Sofia Andres ang kanyang tinutukoy. Pero siyempre hula lang naman ‘yun ng netizens.
Inisyuhan din nila na bigla raw nag-off ng comment box si Sofia.
Magpinsan ang karelasyon ng dalawang actress.
Pero si Sofia ay may anak na sa partner niyang si Daniel Miranda habang si Chie ay kamakailan lang naugnay ang pangalan kay Matthew Lhuillier.
Wala pa namang sagot si Sofia tungkol sa pagiging assumera ng ibang netizens.
Anyway, sa aming interview kay Jake, kinumpirma nga ng actor na wala silang naging breakup ni Chie.
Hindi niya sinabi ang dahilan pero nauna nang naikuwento ng isang insider na may tumawag lang diumano kay Jake at tinatanong kung sila pa ba ni Chie dahil diumano’y kasama ang sexy star/vlogger sa event ng pamilya ng sinasabing diumano’y karelasyon niya sa kasalukuyan.
