Pilipino Star Ngayon
October 8, 2025 | 12:00am
Panibagong Chinese Drama na ang magpapa-antig sa puso ng manonood ang hatid ng ABS-CBN sa hit serye Go Ahead na magsisimula ngayong Lunes (October 6) sa Kapamilya Channel, TV5, iWant, and A2Z.
Tampok sa kinagiliwang serye noong taong 2020 ang award-winning actress Tan Songyun. Makakasama niya rito ang dalawa sa Chinese heartthrobs na sina Song Weilong at Zhang Xincheng.
Iikot ang Go Ahead sa kwento nina Enzo (Song Weilong), Kevin (Zhang Xincheng), at Janna (Tan Songyun), tatlong batang ulila, ngunit binusog naman sa pagmamahal ng tatay ni Janna.
Hindi man sila magkadugo ay tinuring nila ang isa’t isa bilang magkakapatid sa puso. Lumaki silang sa gabay ng dalawa ng ama at sabay na hinaharap ang mga pagsubok sa buhay.
Ngunit dahil sa kanya-kanyang nakaraang pilit nilang nilimot ay masusubukan ang kanilang pagsasamahan.
Ngayong pinagtagpo muli sila ng tadhana, muli kaya nilang maibalik ang pag-ibig at pagsasamang kanilang iningatan?
