Eala pasok sa Jingsha Open 2nd round


Chris Co — Pilipino Star Ngayon

September 24, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Kinailangan ni Alex Eala na maglabas ng malakas na puwersa sa huling sandali ng laro upang pigilan ang pagtatangka ni Aliona Falei ng Belarus, 6-3, 7-5, at masiguro ang pag-entra sa second round ng Jingsha Open kahapon sa China.

Mainit na sinimulan ni Eala ang laban nang maglatag agad ito ng solidong laro para makuha ang 1-0 bentahe sa set.

Subalit pumalag si Falei sa second frame kung saan sinamantala nito ang bahagyang pagbagal ni Eala.

Hindi naman nagpabaya ang Pinay netter na kumapit sa bandang huli ng laro para maitakas ang panalo at umabante sa Round of 16.

Tumagal ang laro ng isang oras at 52 minuto.

Solido ang laro ni Eala sa service area na may naitalang 7-of-11.

Kabilang pa rito ang game winning serve na nagdala sa 20-anyos Pinay sa panalo.

Makakasagupa ni Eala sa second round si Mei Yamaguchi ng Japan.

Nakapasok si Yama­guchi sa susunod na yug­to matapos patalsikin si Hong Yi Cody Wong ng Hong Kong, 6-4, 6-1, sa kanilang first-round match.

Dahil sa first-round win ni Eala, umangat agad ito sa WTA live ran­kings kung saan inokupahan nito ang No. 56 spot para pantayan ang kanyang career-high world rankings.