Marian, idodonate sa charity ang napalunan na datung bilang best actress
Bumiyahe galing Baguio ang National Artist for Film, Kidlat Tahimik, upang tanggapin ang kanyang Icon Award sa 8th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Ama ng Philippine Indie Cinema si Kidlat Tahimik na parating nakabahag sa tuwing pupunta sa kahit anong okasyon.
Kaya naman pagdating niya sa Ceremonial Hall, Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, nakabahag siya at bitbit ang kanyang backpack.
Nag-commute lang daw siya mula sa Baguio.
At nang tanggapin ang trophy ipinaliwanag nito na ganundin si Jose Rizal, nakabahag. At ipinakita niya pa ang isang sculpture ni Jose Rizal na nakabahag.
Isa siya sa pitong Icons na kinilala ng samahan ng mga entertainment editors ng major English-language newspapers, tabloids and entertainment portals.
Kasama niyang tumanggap ng pagkilala sina Direk Laurece Guillen, Pen Medina, Odette Khan, Rosemarie Gil and Eddie Mesa and Perla Bautista.
Nagpapasalamat siya na pinahahalagahan ng EDDYS ang indie films.
Tumanggap ng cash gift ang mga Icon awardees mula sa Playtime.
Kidlat Tahimik at Ricky Lee
Tumanggap din ng P50,000 each ang major awardees — Best Picture, Best Director, Best Actor and Best Actress, P50,000 each.
Si Marian Rivera ay agad sinabing ididiretso niya sa favorite charity group niya ang napanalunang cash.
Carlo Katigbak at Joel Torre
Si Ogie Diaz ang tinanghal na tatanggap ng Joe Quirino Award ngayong taon. Ang beteranong entertainment editor na si Crispina Belen ay pinarangalan ng Manny Pichel Award.
Si RS Francisco ay tumanggap ng Isah V. Red Award, na nagpaparangal sa mga indibidwal na sumusuporta at nagbibigay inspirasyon sa mga mahihirap na Pilipino.
Samantala, star studded ang ginanap na 8th Eddys.
Lima sa anim na nominees for Best Actor ang dumalo — Vice Ganda (And the Breadwinner Is…), Sid Lucero (Outside), Alden Richards (Hello, Love Again), Kokoy de Santos (Your Mother’s Son), Joel Torre (Lolo and the Kid) and Dennis Trillo (Green Bones) na napanalunan ni Dennis para sa kanyang pagganap bilang Xavier sa Green Bones.
GMA Pictures President Atty. Annette Gozon-Valdes, Executive Vice President Nessa Valdellon
Sa Best Actress category ay present sina Shamaine Centenera-Buencamino (Pushcart Tales), Jane Oineza (Love Child), Julia Barretto (Un/Happy for You) and Marian Rivera (Balota).
Ganundin sa ibang mga category, maraming dumating na nominees.
Tulad sa tradisyon ng EDDYS walang may alam sa resulta o mananalo.
Inumpasahan ang programa sa In Memoriam segment at umawit si Erik Santos ng Lupa habang si Jackie Lou Blanco ay kumanta ng Kapantay Ay Langit para sa pumanaw na inang si Pilita Corrales.
Si Arman Ferrer naman ang umawit ng Tanging Yaman para kay Gloria Romero.
At Handog ang kinanta ni Carla Guevara-Laforteza para kay Manay Lolit Solis.
Naggitara at kumanta si Ice Seguerra ng Walang Hanggang Paalam para kay Mother Lily Monteverde at si Kuh Ledesma ay Paano Kita Mapasasalamatan para sa National Artist Nora Aunor.
Hosts ng 8th EDDYS sina Darren, Kyline Alcantara, Kaila Estrada, at Alexa Ilacad.
Naging presenter din ang isa pang National Artist na si Ricky Lee, present naman si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, Boots Anson Roa (MOWELFUND), Director General of the Film Academy of the Philippines Paolo Villaluna, Senator Mark Villar, at marami pang malalaking pangalan sa industriya ng pelikula.
Co-presenters sa 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment sa pangunguna ni Pat-P Daza sa direksyon ni Eric Quizon.
Mapapanood ang 8th EDDYS sa iWant, Kapamilya Channel, at Jeepney TV simula Hulyo 27, Linggo.
The event was presented by Playtime PH co-presenters included Globe and Unilab. Additional support came from Senators Camille Villar, Mark Villar, and Chiz Escudero, Beautederm Corporation, Luxxe White, Puregold CinePanalo Film Festival, Kat Corpus, My Daily Collagen.
Vote verification was handled by Juancho Robles’s auditing firm, Chan Robles & Company, CPAs.
