Heart, naka-heels sa Mt. Pinatubo


 

Ang bongga ni Heart Evangelista na talagang kinakarir na rin ang pagiging SSFI o Senate Spouses Foundation, Inc. president.

Pinangunahan niya ang pamimigay ng school supplies, food packs at groceries sa mga batang Aeta at magulang ng mga ito sa Zambales.

Bahagi raw iyon ng Balik-Eskwela project ng non-profit group at kasama pa niya roon ang vice president niyang si Kathryna Yu-Pimentel.

Una pa nga lang daw iyon ngayong taon na siguradong may susunod pa.

Nakakatuwa nga na bitbit niya rin doon ang isa sa kambal ng mister niyang si Senate President Chiz Escudero na si Chesi.

Syempre kahit sa bundok pa ang location ay hindi nawala ang pagiging fashionista ni Heart na ang cute ng kanyang Filipiniana top.

Ang daming nagtanong kung local brand daw ba iyon.

Mabilis naman ang sagot ng ibang follower na super local brand ‘yun na paboritong suotin ngayon ng mga celeb.

Bongga si Heart na kahit nag-trek pa raw sila sa upland community sa paa ng Mt. Pinatubo para mamigay ng tulong ay nagawa talaga nitong mag-heels na halatang sanay na sanay na siya sa pagrampa niya.

‘Kaloka.

Ang fresh pa rin nga daw nito kahit mukhang napagod ito sa mga ginawa roon.

Sa video nga ay makikita kung gaano siya kalapit sa mga aso. Kusang lumalapit ang mga ito sa kanya at sey nga ng follo­wers niya ay senyales daw iyon ng tunay na kabaitan ni Heart.

Wala rin kasi itong arte na hinahaplos-haplos ang aso na nakita lang niya roon.

Bongga.

Nauna nang sinabi ni Heart na ‘di siya dadalo sa Paris Fashion Week sa susunod na buwan.

Tama ba ‘yung nakita kong photo na nasa Paris ngayon si Anne Curtis at parang rarampa siya roon?