Ang lakas ng chemistry nina JC Santos at Rhian Ramos.
At ramdam ito sa trailer ng pelikulang Meg & Ryan ng Pocket Media Productions at idinirehe ni Catherine Camarillo.
Sa grand presscon nga ng Meg & Ryan na mapapanood sa Aug. 6, pakiramdam ni JC na lucky guy siya na nakatrabaho ang actress at naramdaman niya talaga na nag-match ang kanilang personalities.
“Yes, suwerte iyon. Bihirang-bihira iyon na may makasama ka na like her na ano na siya very well-known, matagal na siya sa industriya, tapos ang dali niyang kasama. Hindi ako nahirapan at all. Hinintay ko ‘yung ‘magiging diva ba siya?’ Hindi eh. wala akong naramdaman at all, and it was exciting the whole time,” kumpisal ni JC.
Pero complex pala ang character ni Rhian.
“Kasi feeling ko hindi pa siya nabibigyan ng ganu’ng role na may ilalabas pa. Usually directors medium ito eh, you can only give what your director wants or something. Feeling ko pwedeng lumalim pa nang lumalim ang pwede niyang gawin.
“And nakita ninyo naman ang aming direktor, punumpuno ng puso, kaya ganoon ang pelikula namin, may puso,” dagdag pa ng aktor.
Sabi pa ng actor, marami siyang ginawang bago sa Meg & Ryan: “Challenging. I think ang daming bagong ginawa ko rito sa pelikula at sa bawat pelikulang ginagawa ko, maraming bago.
“As much as possible to refresh, ginagawa kong fabricated iyong character. Ayaw ko namang pang-surface level lang siya. Gusto ko iyong kita ang struggles niya, pinagdaraanan niya and bagong circumstances, iyong ganun.
“Hindi naman laging nagbabago, gusto ko siyang maging tao, may puso. So iyon pa lang challenging na. Kasi ayaw ko siyang maging cartoons, caricature, stereotype,” wika pa ni JC na gumanap na isang conservative draftsman na dumadaan ng midlife crisis at nakakilala ng isang rich reckless girl in her late 20s.
At thankful siya sa pagtanggap ni Rhian sa pelikulang ito.
“It was so effortless working with her. I’m really glad I was able to work with her and the good thing is, she’s okay with me. She gave her soul here in this film.
“I am not an A-list actor. I’m one of those who’s too mainstream for indie and too indie for mainstream. Sometimes I think what my leading lady would think when she’s with me.”
Pero nilinaw niya na hindi lang ito basta comedy. “There are funny moments and there are dramatic moments.”
Para rin sa actor, nakukulangan pa rin siya sa ginagawa niya.
“Hangga’t may bagong maio-offer, hindi ko pa siya fully nasa-saturate. I think parang kulang pa ‘yung pwede kong ibigay sa romantic roles.
“Parang pwede ko pang i-elevate iyong drama or acting for a romance movie,” banggit pa niya pero aniya challenging pa rin sa kanya ang romantic films.
“Yes, yes. Sa bawat taong nakakasama ko is usually a different challenge kasi bagong connections iyon eh,” anito.
Sa totoo lang, isa si JC sa versatile actor.
At hindi siya nawawalan ng trabaho. Lagi siyang iniisip ng mga producer dahil magaan nga naman siyang kausap.
“Sinusuwerte lang. Hindi naman talaga ako A-list actor. Hindi naman ako iyong… minsan nga I’m into mainstream to indie, indie into mainstream. Nasa gitna lang ako and I’m happy with that status.
“The longevity is what I am after,” sabi pa nito.
Samantala, kasama rin sa Meg & Ryan sina Cedrick Juan, Ces Quezada, Cris Villanueva and Jeff Gaitan.
Gagampanan nina JC at Ryan bilang Meg Zamonte at Ryan Canete sa isang kuwento tungkol sa dalawang estranghero na ang landas ay nagkrus sa hindi inaasahang pagkakataon na naging malapit ang mga puso at marahil natagpuan ang pag-ibig.
Isang lalaking may maingat na puso. Isang babaeng nabubuhay para sa mga walang ingat na pustahan. At isang mapaglarong taya na humantong sa isang gabi ng pagkakataon at koneksiyon.
