Jet Ski promise ni Vice, sari-sari ang diskusyon


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 11, 2025 | 12:00am

Iba’t iba ang reaction ng netizens sa patama ni Vice Ganda kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa unang gabi ng Super Divas concert nila ni Regine Velasquez.

Nag-viral ang isang parody base sa sikat na TikTok sound na parang binabatikos ni Vice ang kontrobersyal na Jet Ski promise ni ex-president Duterte kung saan nabanggit ang mga DDS (Diehard Duterte Supporters) na ikinatawa ng mga nanood sa Araneta Coliseum noong Biyernes ng gabi.

Maraming naaliw pero may mga na-offend naman na in bad taste raw ang nasabing patama sa dating pangulo.

Anyway, may iba namang nagsabi na ba’t noong may mga offensive joke ang mga dating presidente ng Pilipinas wala namang nagagawa ang mga nao-offend at ang mga kakampi ng dating pangulo, ba’t ngayong nag-joke raw si Vice nagagalit sila.

Ganun lang daw ‘yun.

Ahh, kanya-kanya talaga ng opinyon ang lahat.