John Lloyd, gaganap na Jose Rizal sa historical movie na ipo-produce ni coco!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

September 7, 2025 | 12:00am

Magkakaroon na diumano ng major showbiz comeback si John Lloyd Cruz.

Matagal-tagal na ring walang ganap sa career ni John Lloyd.

Nabanggit ni Maja Salvador sa isang interview na hindi na tumatanggap ng trabaho ang actor na dating minanage ng talent management group nila na Crown Artist Management – ng mister niyang si Rambo Nuñez.

Banggit ng actress naghiwalay silang may respeto “Nagde-decline rin po siya sa mga magagandang project kasi focused din siya kay Elias (anak nila ni Ellen Adarna). Hindi rin naman active now din po,” nang kumpirmahin ni Maja na wala na nga ito sa kanilang management team.

Anyway, ang la­test nga, ayon sa isang source, gaganap na Jose Rizal si John Lloyd sa isang major project na ipo-produce ni Coco Martin and Direk Erik Matti.

Isa diumano itong historical epic na gigiba sa iba pang local historical films.

Ayaw pang magbigay ng detalye ng source pero anytime soon diumano ay magkakaroon na ito ng formal announcement kaya hintayin na lang natin.

Lately ay napapabalitang nagkaproblema si Coco at manager niyang si Biboy Arboleda na ayaw kumpirmahin ng actor.

Pero ayon nga sa source, tinapos na nga nila ang matagal na pagsasama nila bilang manager-talent relationship.