Kaye Abad, eme-emeng nagsa-Sharon ng pagkain kahit contractor ang mister


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

September 6, 2025 | 12:00am

Parang charotera raw si Kaye Abad nang ikuwento niya ang kanyang diumano’y matipid na lifestyle. Sa bagong episode nga ng Kuan On One ni Melai Cantiveros, ibinahagi ng aktres kung paano siya palaging naghahanap ng mga paraan upang makatipid at sulitin ang kung ano ang mayroon siya.

“Matipid talaga ako. Kung makakakuha ako ng freebies, kukuha talaga ako ng freebies. ’Yung school shoes ng mga anak ko, settled na until next year, ” aniya sa interview ni Melai.

Nagbabalot din daw siya ng mga pagkain, or nagsa-Sharon Cuneta dahil nanghihinayang siya.

Pero ‘yun nga ang reaction ng ibang taga-Cebu dahil common knowledge na super yaman ang husband niyang si Paul Jake Castillo na isang contractor at marami diumano itong project sa Siquijor.

May flood control project din daw ang dating Pinoy Big Brother housemate na hawak.

As in ‘yun nga super yaman nga raw ang mister ng aktres at buong pamilya nito.

Bukod sa contractor, super dami raw negosyo ng pamilya ni Jake.

Kaya reaction ng ibang Cebuano, eme-eme lang si Kaye o pa-lowkey.

Pero sobrang eklay naman daw na nagbabalot siya.