May hugot ang post ni Korina Sanchez.
Ito ay dahil sa paggiba ng tore sa kahabaan ng Mother Ignaca St. at naalala niya na isinilang doon ang malayang pananalita at hindi na-censor na balita. Sa ngayon aniya parehong dimmed ang pamamahayag na may posibilidad na huminto sa lalong madaling panahon.
Kabuuan ng caption niya: “At a time in history when free speech and uncensored news were reborn from where it fell silent, it is an honor to have been there at the right time to witness this rebirth towards unimaginable heights, reach and depth. More unimaginable to many is how and when the lights of the tower along Mother Ignacia St. dimmed. For now. Equally dimmed today is journalism that tends to stop short, or confuse. ABSCBN started with a dream and dreams never die. This story hasn’t ended. Proud to have been a Kapamilya from Day One. In the Service of the Filipino wherever we now are and always,” sabi ni Ate Koring na sa totoo lang ay walang kupas ang pagiging mahusay na broadcast journalist at sa mga baguhan ngayon, makikita mong wala nang pwedeng sumunod sa kanya.
Nabanggit ni Ate Koring sa isang interview na nagkaroon din siya ng mini-meltdown pero hindi na niya ipinaalam sa kanyang mister, si Mar Roxas.
Katwiran niya ayaw niyang maging pabigat sa kanyang mister kaya naman inalagaan niya ang sarili para sa anak nilang kambal, sina Pepe and Pilar.
Anyway, may hugot din ang post ni Arnold Clavio, tungkol sa pagkaka-disable ng kanyang messenger.
“Sa mga followers ko sa @facebook at @messenger, disabled again for the second time for violating the community standards!
“May masipag magreport sa mga post ko when in fact same lang naman kung ano ang pino-post ko dito sa Instagram. So, where is due process? No appeal?
“Well, the truth shall set us free. There’s no way that I will be silenced by some community standards. Maraming salamat,” sabi Igan na kilalang matapang sa kanyang mga pahayag sa mga programa niya sa radio.
