Kung kailan naging athletic na… Geneva, magiging lola na!


Handang-handa nang maging lola si Geneva Cruz, ito ay kahit happy ang puso niya sa piling ng national athlete and gold medalist Dean Roxas.

“Handa na ‘ko. Oo, gusto ko ‘yong word na lola. Low-luh, Lola Geneva. I love that, I’m not afraid to become a lola. I think—my mom who passed away three years ago told me na, iba ‘yong pagiging lola sa pagiging nanay. Mas nakaka-in love raw ang mga apo, kaya ako naman, excited din ako. So, ‘yon. Handang-handa na,” pag-amin niya sa media conference ng 35th anniversary concert niya na Gen Evolution.

“Kasi si Heaven (first child niya sa ex na si Paco Arespacochaga), he’s 29 years old and he has a girlfriend, [and] maybe I’ll have a grand[child] soon, I’m really excited, but with London (second husband), iba pala kapag babae ‘yong anak, and babae ka rin ‘di ba?” dagdag niyang sagot sa tanong namin na nag-umpisa ang career sa grupong Smokey Mountain.

At kung meron man siyang gustong maka-collab sa kasalukuyan, “Well, I love Bini – ‘yong Bini, paborito ‘yan ng – mayroon akong anak, si London, her name is London Lee. And she told me that she wants to be like me, she wants to become a popstar, she wants to start in a group, and favorite niya ‘yong Bini. She really admires me and wants to become like me. That’s why if parents din kayo, maiintindihan niyo ‘yong responsibility na, kapag gustung-gusto kayo ng anak n’yo, napakahirap. That’s why I’m [also] very careful,” paliwanag pa niya.

Thirty-five na siya sa industriya pero mas parang aktibo ang career ni Geneva sa kasalukuyan.

Bukod nga sa bonggang lovelife.

“I’ve always been happier. I’m a grateful person. Talagang grateful ako sa lahat ng mga nangyayari sa buhay whether it be malungkot or masaya kasi alam kong may reason kung bakit nangyayari ang mga bagay,” pahayag niya.

“I am more inspired, yes. Sabi nga nila, you attract who you are, you attract what you are, I’m not sure but maybe that’s true. But, yeah, my boyfriend is really pushing me to be the best version of myself,” pagmamalaki niya.

At ang laki ng impluwensiya nito sa kanya pero aniya ay hindi madali. “Dating a national athlete is not easy because lamang-gym talaga. Kung hindi sa gym, sa labas, nagwo-workout pa rin,” natatawa niyang kuwento.

Pero aminado siyang malaking tulong naman ‘yun sa paghahanda sa kanyang 35th anniversary concert lalo na sa kanyang mga dance number.

“I believe that you have to be with someone who inspires you, who makes you better as a person and as an artist, kung anuman ‘yung trabaho mo. Kasi kung hindi ganu’n, if you can’t grow together, then what’s the use, ‘di ba?” chika pa niya.

Magaganap ang Gen Evolution sa May 30, 8 p.m., sa Music Museum na dapat ay anniversary concert ng Smokey Mountain.

“Technically, ito ‘yung anniversary ng Smokey Mountain, 35 years in the business. We were launched by The Maestro, our National Artist for Music, Ryan Cayabyab nu’ng 1990, pero 1989 kami po ay nag-training under him,” pag-aalala niya.

Pero sadly hindi nga ‘yun nag-materialize kaya nagdesisyon sila ng kanyang manager na ituloy niya nang solo ang concert pero ididirek ng kasamahan niya sa grupo na si Jeffrey Hidalgo.

Dahil sa athletic na siya ngayon, gagamitin niya ‘yun sa kanyang concert.

“Dahil mas athletic na ako ngayon, just like Jeff na gumawa rin ng triathlon before, nag-triathlon na rin ako, i-incorporate ko ‘yung mga ginagawa ko sa training at sa labas, do’n sa stage para makita n’yo ang pinaggagawa ko,” pramis niya.

Kapatid at bestfriend naman sila ni Jeff kaya kahit anong pang-iintriga sa kanila ay never daw talaga silang naging lovers sabi pa ng singer na bukod sa nasabing concert at may ginagawa ring pelikula kung saan siya gumaganap na madre.

Kabilang sa iba pang member ng Smokey Mountain sina Tony Lambino at James Coronel at si Geneva lang ang nag-iisang babae sa grupo.

Anyway, ang Gen Evolution is a production of ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafia with Nikko Rivera as musical director.

Available ang tickets sa TicketWorld.