Awws kabilang na si Lea Salonga sa mga bituing nakatakdang tumanggap ng Hollywood Walk of Fame star sa Class of 2025-2026, ayon sa Billboard.
Ang 35 awardees nga this year ay inihayag sa isang live press conference sa Ovation Hollywood kahapon.
Kasama ni Lea ang comedian na si Gabriel “Fluffy” Iglesias na mula sa Live Theater/Live Performance category.
“Just woke up to this amazing news! To the Manila International Film Fest, many thanks for nominating me to the part of the class of 2025–2026.”
Si Lea nga ang kauna-unahang solid Pinay na kinilala sa Hollywood Walk of Fame sa California mula noong 1960.
Tho kasama niya ang iba pang mga celebrity na may dugong Filipino tulad ni Apl.de.Ap na miyembro ng Black Eyed Peas, sa ilalim ng Recording category sa 2021/2022 class.
Ganundin ang comedian na si Rob Schneider noong 2011, at si Bruno Mars sa 2016 class.
Ayon sa mga report, ang mga pinarangalan sa Walk of Fame ngayong taon ay pinili ng Hollywood Chamber of Commerce panel, na nagsasala sa “daan-daang” nominasyon simula Hunyo 20.
Sikat si Lea sa buong mundo bilang isang award-winning na Broadway at theater icon.
Nanalo siya ng Tony Award sa edad na 20 para sa kanyang papel bilang Kim sa Miss Saigon sa West End ng London noong 1989.
Siya rin ang naging unang aktres na may lahing Asyano na nanalo ng Tony para sa lead role, at isa sa mga pinakabatang nanalo ng Laurence Olivier Award para sa Best Actress Award.
Ang Manila International Festival organizer diumano ang nag-nominate kay Lea ayon sa kanilang post: “ We’re incredibly proud to share that the Manila International Film Festival had the honor of nominating the one and only Lea Salonga for a star on the Hollywood Walk of Fame — and she’s officially been selected!
“From Broadway to Disney to the global concert stage, Lea has been a trailblazer and a voice for generations. Her impact on the world of music, theater, and film is undeniable — and her legacy continues to open doors for countless Filipino and Asian artists worldwide.
“This recognition is not just for her extraordinary talent, but for everything she represents: excellence, integrity, and cultural pride.
“Congratulations and BRAVO, Lea — this moment is so well-deserved, and we are beyond thrilled to celebrate YOU!”
