Liza may trauma sa kidnapping, naglinis ng poop ng aso gamit ang dila!


Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Liza Soberano ang tungkol sa kanyang ‘trauma’ na dinanas niya sa murang edad habang naninirahan pa sa Amerika.

Very cinematic nga ang naging paglalahad ni Liza ng mga pinagdaanan niya sa isang episode ng Can I Come in? podcast noong Huwebes.

Kabilang dito ang tungkol sa kanyang inang si Jacqueline at amang si John na sinabi niyang Bonnie and Clyde duo, na ang huli raw ay isang ‘chemist’ habang ang una ay gumon sa crystal meth, na mas kilala sa Pilipinas bilang ‘shabu.’

Ikinuwento pa niya na sa kalaunan ay inaresto ang kanyang ama at na-deport mula sa US para sa maraming kaso kabilang ang diumano’y “paggawa ng droga.” Kaya’t sila ng kanyang kapatid ay naiwan sa kanilang ina, na ang pagkalulong sa droga ay lumala pa diumano.

Na kahit daw buntis ay gumagamit pa raw ito kaya’t ang kanyang kapatid ay ipinanganak na gumon sa crystal meth.

Inilahad niya rin dito ang pang-aabuso ng ex-boyfriend ng kanyang nanay na nagngangalang Michael na inilarawan ng aktres bilang isang “really bad news.”

Naalala ni Liza na noong siya ay dalawang taong gulang pa lamang, nagnakaw diumano si Michael ng isang minivan at isinama silang tatlo. Ang insidente, aniya, ay napabalita pa bilang kidnapping matapos mag-file ng missing persons report ang pamilya ng kanyang ina.

Nung naiwang mag-isa raw si Michael kasama si Liza at ang kanyang kapatid na lalaki sa van, sinabi ng aktres na patuloy siyang sinisigawan at sinabihan siyang hampasin ang kanyang kapatid na lalaki sa ulo. Nang tumanggi raw siya, hinampas siya ni Michael ng baril sa ulo.

Makalipas ang ilang oras, nahanap daw sila ng mga pulis matapos silang tawagan ng ina ni Liza kung saan parehong inaresto sina Michael at Jacqueline.

Pero mas masakit ang karanasan niya sa foster parents.

Dahil parehong nasa kulungan ang kanyang mga magulang, nanatili sila ng kanyang kapatid sa kanilang mga lolo’t lola. Gayunpaman, kalaunan ay inilipat daw sila sa foster care dahil ang kanilang mga lolo’t lola ay masyadong matanda upang mag-alaga sa kanila.

Siya at ang kanyang kapatid ay nanatili sa ilang foster home bago sila napunta sa pangangalaga ni Melissa, na ipinakilala sa kanya bilang matalik na kaibigan ni Jacqueline sa high school na malayo raw sa katotohanan.

Pero grabe ang naging karanasan niya base sa kanyang kuwento.

Sinabi ni Liza na itinuring siya bilang “aso ng pamilya”  o “family dog” at pinahihintulutan lamang na umupo sa isang malaking karton sa likod ng sofa – tulad ng isang aktwal na aso – sa mga pelikula.

Isinalaysay rin ng aktres ang isang instance nang pilitin siya ni Melissa na kumain ng meatball hanggang sa mabulunan siya, na naging sanhi ng kanyang phobia sa meatballs, at nang utusan siya nito na linisin ang dumi ng kanilang aso sa carpet gamit ang kanyang dila.

Ayon pa kay Liza mas maraming insidente ng pang-aabuso ang nangyari, kabilang ang hindi pagpapakain sa kanya ni Melissa nang ilang araw at natutulog siya sa garahe na walang kama.

Nakaalis lang daw sila at ang kanyang kapatid sa bahay ni Melissa nang biglang bumisita ang isang social worker at nakita niya ang mga palatandaan ng pang-aabuso sa katawan niya.

Ang magkapatid noon ay tumira sa kanilang mga lolo’t lola hanggang sa kinailangan nilang lumipat sa Pilipinas noong 10 years old siya kasama ang kanyang stepfather.

Inamin din ng aktres na hindi komportable ang pamumuhay nila kasama si John na tinawag niyang “estranged father.”

Kaya’y napakaliit daw ng naging tingin niya sa sarili.

Aniya in English ay nabuo niya ang ugali na ito dahil sa takot na maging pabigat sa mga tao. “Natatakot ako na kung gumawa ako ng isang bagay na hindi nila gusto o isang bagay na nakakasakit sa mga tao, na hindi na nila ako gusto o na ako ay magiging hindi karapat-dapat sa kanilang pagmamahal,” aniya sa wikang English habang nagiging emosyonal.

Samantala, habang sinusulat namin ito ay wala pa namang sagot si Enrique Gil sa mga rebelasyon ng ex-girlfriend na three years na silang split.

Idinetalye rin ni Liza ang lahat sa isang YouTube episode ng Can I Come In?

“I’ve been honestly itching to tell people this because I haven’t been very truthful, Quen hasn’t been very truthful. Quen and I broke up,” kumpisal ng aktres.

At hindi raw niya masabi ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan dahil na rin sa pakiusap ng aktor na kamakailan ay nag-‘I love you’ kay Liza sa isang TikTok video.

“But yeah, we’ve been broken up for almost three years now. And the reason, well, originally the reason why we haven’t said anything about it is because Enrique or Quen asked me not to say anything about it first.

“I don’t wanna speak for him, but I think it was coming from a place of not wanting it to be real,” pagkukuwento pa niya tungkol sa nangyari sa kanila.

Pumayag naman daw siya sa sinabi ng actor lalo na at naisip din niya ang career niya.

“I agreed to that because I also didn’t want it to be real. And this is coming from the people-pleaser side of me because I was so afraid that if people found out that we weren’t together anymore, my career would go bad, or you know, people just wouldn’t love me anymore,” pag-amin pa niya.

Pagpapatuloy pa ng actress na tuloy ang pakikipagsapalaran sa Hollywood: “It was me again pretending or putting the things that I need to do for myself off to make other people happy and to make them feel safe. But yeah, me and Quen broke up almost three years ago.

“I think a year before I actually broke up with him, there were already signs  that showing me that I was unhappy but because I had built up this kind of toxic habit of pushing away anything that I feel like, bothered me because I was afraid of confrontation. I decided to just swallow it or like, sweep everything under the rug.

“I remember, I did like a mental check with myself and I accepted that there were certain things about him that I wasn’t okay with and that it’s just always going to be like that,” mahaba pa niyang kuwento.

Dumating din daw siya sa punto na talagang inaasahan niyang magpapakasal sila sa lalong madaling panahon ngunit hindi iyon nangyari.

“I was like mentally telling myself these things because we were already at that point – almost 8 years together and I was genuinely expecting us to get married, like, soon but that didn’t happen.”

Dagdag pa niyang kuwento ay: “When I broke up with him, I would say that it was such a beautiful breakup because it was still so full of love.

“It was so hard for me to actually break up with him because I love him. I still love him as a person.”

Hanggang inalala niya ang mga panahong masaya sila. “When I look back at like, our time together, I just see good moments all the time. And he’s like, I think of him as like a childhood best friend. And so, it’s just so beautiful.

Hanggang nakaramdam daw siya ng pagka-guilty pero kailangan din daw niyang hanapin ang kanyang sarili upang mag-grow.

Grabe ang dami palang bubog ni Liza.

Sa pamilya at sa kanyang naging relasyon kay Enrique.