September 30, 2025 | 12:00am
Sumasakit daw ngayon ang ulo ng management team ng kaakit-akit na aktres dahil sa mga bagong circle of friends nito.
Pasosyal nang pa-sosyal daw ang kagrupo ngayon ni aktres, at ang latest ay nali-link ito ngayon sa isang mayaman at maimpluwensyang tao.
Sa totoo lang, hindi ako nasososyalan dito kay kaakit-akit na aktres, pero iba ang charm niya, at mga bonggang personalidad ang nagkakagusto sa kanya.
Katatapos lang ng kontrobersyang kinasangkutan nito sa dating karelasyon, ngayon ay nali-link siya sa mas bonggang pangalan.
Ang ikinaloka lang ng mga nagha-handle sa kanya, hindi na raw ito sumusunod sa kanila.
May mga araw raw na panay ang kitty party, at hindi na nakikinig sa payo ng mga taong nagha-handle sa kanya.
Ito rin daw ang ginagawa ni aktres sa dati niyang boyfriend na naging kontrobersyal ang kanilang relasyon.
Hindi nagtagal ang relasyon na iyun, kaya medyo nakahinga nang maluwag ang manager at handler nito kaya’t nakapag-focus na ito sa trabaho.
Pero ngayon ay iba na naman ang nasasamahan, mas bongga at maimpluwensya pa raw. Kaya tingnan na lang natin kung masusundan pa siya ng proyekto kung patuloy siyang magaganyan.
Kaya hindi na raw nila alam kung ano ang kahihinatnan ng career nito kung lagi itong nasa labas at nakiki-party sa mga sosyalerang friends.
Sana matauhan daw ito sa lalong madaling panahon.
Rita best actress sa Sinag, idinisplay ang star player na karelasyon!
Si Rita Daniela ang nagwaging Best Actress sa katatapos lang na Sinag Maynila dahil sa kanyang pagganap bilang teacher sa pelikulang Madawag ang Landas Patungong Pag-asa.
Si JM de Guzman naman ang nag-best actor mula sa pelikulang Selda Tres.
Pero roon sa awards night na ginanap sa Gateway Cineplex, Cubao noong Linggo, kapansin-pansin ang guwapong basketbolistang kasama ni Rita na si Mclaude Guadana, ang star player ng Lyceum of the Philippines.
Kaya dalawang trophy ang hinawakan niya.
Kailangan ko pa bang sagutin yan?
“Parang kaya n’yo nang sagutin yan para sa akin!” bulalas ni Rita nang tinanong tungkol sa kanyang escort.
Matagal ding naging single si Rita, at nagpasalamat siya sa Panginoon na ibinigay ito sa kanya.
Mahigit dalawang buwan pa lang daw silang magkakilala.
“Thankfully, Lord, na after almost four years siyempre, naibigay na…” napapangiting sambit ni Rita.
Nagkakasundo raw sila sa ilang bagay at nagkapalagayan sila nang loob.
“What makes us click? In common? Ahhh, siguro… paano ko ba sasagutin yan, in common?” napaisip si Rita.
“Ah, siguro ano, iba kasi yung ahhmm ang hirap kasing hanapin nowadays, no, when it comes to dating — yung respeto sa pamilya, yung respeto sa boundaries, at saka yung pagmamahal talaga namin kay Lord, nandun.
“So, dun kami nagkiklik,” dagdag niyang pahayag.
Hindi na napapag-usapan doon sa awarding ng Sinag Maynila ang tungkol sa kaso ni Rita laban kay Archie Alemania.
Malapit na raw ibaba ang resolution nito.
Bukod sa All-Out Sundays at sa promo nitong pelikulang Madawag ang Landas Patungong Pag-asa ay gusto na ring tapusin ni Rita ang pino-produce niyang album.
“Snubukan ko naman siyang ahhh kasi, self-produced album siya.
“And I really tried my best, and hindi pala siya madali kapagka ikaw yung lahat.
“So next year, I really need help you know from like ahhh there should be a team that would really help me.
“So, definitely yan next year, meron na,” sabi pa ni Rita Daniela.
Congratulations kay Rita at kay JM de Guzman sa napanalunan nila sa Sinag Maynila.
“Grabe! Nakakakaba pala dito! It’s actually my first time in Sinag Maynila, to be part of Sinag Maynila.
“Nataon naman po na I recently celebrated my 20th anniversary in showbusiness.
“Grabe, sobrang reward! I am also dedicating this to my son Uno, and I hope that you know, if you watch this film one day,” saad ni Rita Daniela.
Ang pelikulang ito ay idinirek ni Joel Lamangan at nanalong Best Picture, pero ang Best Director ay si Direk Topel Lee ng pelikulang Jeongbu.
Congratulations na rin kina Direk Brillante Mendoza at Wilson Tieng na siyang nag-organize ng Sinag Maynila na nasa ika-pitong taon na.