‘Kaloka naman na nakagat daw ng kanyang alagang aso si Michelle Dee sa mukha.
Makikita sa kanyang post ang gauze sa mukha niya at sinabi niyang unexpected Tuesday plot twist ang nangyari sa kanya.
Pinaalalahanan nga nito ang kanyang kapwa pet owners na seryosohin ang kagat ng aso.
Na kahit nga raw gaano pa natin kamahal ang ating fur babies ay huwag i-a-underestimate ang kagat ng aso at bilisan ang pag-aksyon dahil delikado talaga ang rabies.
Sa litratong ipinost niya ay makikita ang sugat sa mukha ni Michelle kaya naman tumakbo agad siya kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho para magpa-rescue.
Ipinapaubaya na raw niya ang kanyang mukha sa mga ito na world-class ang serbisyo.
Sa ikalawang araw nga niya ay ipinakita niya na ang bilis daw maghilom ng mga sugat niya na talagang ginamitan ng magic ng Belo Beauty ha.
Wala na aniya ang pamamaga sa kanyang pisngi at baba, at wala na rin daw senyales ng infection.
Ang active spots din daw ay makikitang natutuyo na at hindi na raw masyadong namumula ang sugat niya.
At dahil nga celebrity siya ay kailangan talaga niyang alagaan ang kanyang balat lalo na ang mukha.
Kaya mukhang kasama iyon sa kinabahala niya nang makagat siya dahil sa rami ng kanyang commitments.
Sa kabila nga ng nangyari ay baby girl pa rin niya ang turing niya sa kanyang fur baby.
Ang dami ngang naka-relate sa kanyang fur parents na hindi raw talaga maiiwasan iyon.
Kaya payo sa kanya ay disiplinahin niya ang alaga. Parang tao rin kasi ang mga ito na may mood swings din.
Dapat tinatimingan mo rin.
‘Kaloka.
