P6.7 milyong shabu samsam sa Bacolod, HVT timbog


Joy Cantos — Pilipino Star Ngayon

December 15, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga ope­ratiba ng pulisya kasunod ng pagkakaaresto sa isang hinihinalang High Value Target (HVT) habang nasa P6.7-milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa drug bust operation sa Purok Villa Esperanza, Brgy Tangub, Bacolod City, Negros Occidental nitong Sabado.

Ayon sa Bacolod City Police, ang nasakoteng suspect sa pangalan lamang nitong Paul, 23-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Sa report ni Bacolod City Police Director P/ Col. Joeresty Coronica, ang suspect ay nasakote ng mga elemento ng Police Station (PS)-8 sa nasabing lugar dakong alas-5:55 ng hapon.

Ayon kay Col. Co­ronica, isang pulis na nagsilbing poseur buyer at nakipag-deal sa suspect matapos na makumpirma ang pagtutulak nito ng droga sa isinagawang surveillance operation laban dito.

Inaresto ang suspect sa aktong iniaabot ang droga sa poseur buyer.

Narekober mula sa suspect ang mara­ming plastic sachets na naglalaman ng 1,025 gramo ng shabu na may halagang P6,790,000 at marked money.