Premyadong actor, nagwala sa pag-aaring resort ng pulitikong sangkot sa isyu ng korapsyon


SHOWBIZ GANERN! — Gorgy Rula — Pilipino Star Ngayon

October 4, 2025 | 12:00am

Kinukumpirma pa namin kung totoo ang kuwentong nakarating sa amin na nagwala raw ang isang premyadong aktor sa set ng tine-tape na teleserye.

Out-of-town ang location ng taping, at may mga eksena raw sila sa isang kilalang resort doon.

Sabi ng isang source na nagkuwento sa amin, nagsisigaw daw itong si premyadong aktor na sinasabi niyang magnanakaw raw ang may-ari ng resort na ‘yun.

Nasangkot sa malaking corruption case ang may-ari ng resort na ‘yun, kaya pinag-uusapan din daw doon sa location.

Nagtanung-tanong kami sa ilang nandun sa taping, itinanggi nila ang kuwentong ‘yun.

Wala raw silang problema kay premyadong aktor.

Ang bait nga raw nito sa lahat, pati sa staff ng nasabing resort.

Kaya huwag na raw sanang patulan. Pero pinagpilitan ng aming source na baka gusto lang daw patayin ang istorya dahil magtatagal pa sila roon. Marami pa silang mga eksenang kukunan sa resort na isang pulitiko ang may-ari na nasasangkot sa kontrobersiya ng korapsyon.

Maganda naman daw kasi ang resort, at sa totoo lang, wala namang kinalaman ‘yun, lalo na ang mga empleyado sa mainit na isyung corruption.

Habang mainit pa rin itong pinag-uusapan, hindi talaga maiwasang madamay ang negosyo ng ilang pulitiko, contractors at iba pang sangkot.

‘Di ba pati nga ang bahay nila ay hindi na makita ang ganda at ang laki nito dahil sa tinatakpan na lang.

Ang pinakaapektado sa lahat ay ang mga anak nilang hindi na lang daw pumapasok sa eskuwelahan nito.

Emil at Salome, game sa laswaan

Regular listener namin sa radio program namin sa DZRH ang isa sa dating asawa ng dating aktor na si Emil Sandoval.

Hindi ko lang tiyak kung ilan ang anak doon ni Emil pero sabi ng dating asawa ay wala na raw silang pakialam sa dating aktor.

Sinabi naman talaga ni Emil na wala na raw pakialam ang mga anak nito sa kanya.

Wala na ring pakialam si Emil sa sinasabi ng lahat sa mga ginagawa niya ngayon.

Wala na rin siyang pakialam sa pakikipag-collab nito sa karelasyon niyang si Salome Salvi na isang adult content creator.

Mas maganda kasi ang kita ni Salome sa mga ginagawa niyang content, kesa sa ilang mainstream projects na kasali siya.

Kaya hindi raw niya ito maiwan.

“Tuluy-tuloy pa rin po,” bulalas ni Salome nang makatsikahan ito sa Frontrow pictorial niya kay RS Francisco.

“Actually, mas nag-pause po ako sa mainstream showbiz work. Mas nag-focus ako sa paggawa ng adult content. ‘Yun naman talaga iyong aking bread and butter. Iyon naman talaga ang aking forte. So iyon, I don’t see myself taking a hiatus or quitting from it anytime soon,” dagdag niyang pahayag.

Ngayon ay si Emil Sandoval ang kasama ni Salome sa adult content na ginagawa niya, at meron pa nga silang threesome kasama ang isang American porn actor.

Open relationship sila, kaya okay naman daw ang samahan nila bilang magkatrabaho sa content na ginagawa nila at magkarelasyon.

“I’m happy naman,” kaagad niyang sagot nang kinumusta ang kanilang relasyon.

“I don’t think that we need marriage to validate our love for each other. We don’t need marriage to be able to share our resources with each other. So I don’t think it’s necessary for me.

“And I don’t think I’ve ever been interested in marriage even when I was younger. No plans,” sabi pa ng sexy star.

Kakaiba nga ang relasyon nila dahil open daw ito, lalo na’t kakaiba ang kanilang trabaho.

“Pero we are open naman to collaborating with other people. Actually, share ko lang, meron kaming shinoot na dalawa silang lalaki, ako ‘yung kasama nila,” dagdag niyang kuwento.

Straight daw itong American porn actor na si Thor Johnson, at na-enjoy raw nila ang experience na ‘yun.

Nilinaw na rin nila nina Salome at Emil na magkakaiba ang ipinapakita nila sa kanilang content kesa sa totoong lovemaking nila bilang magkarelasyon.

Sinisikap daw niyang huwag iarte para hindi halata. Pero iba raw siyempre sa content na may nakatutok na camera.