Pulitikong sangkot sa flood control, bakasyon grande sa us kasama ang sexy star!


SHOWBIZ GANERN! — Gorgy Rula — Pilipino Star Ngayon

September 12, 2025 | 12:00am

Nagkakagulo na ang imbestigasyon sa flood control projects, pero ang isa sa pulitikong itinuro na sangkot sa matinding corruption na ito ay hindi pa alam kung nasaan.

Pero kamakalawa lang ay biglang ikinalat ang mga litrato ni pulitiko sa ilang scenic spots sa Amerika.

Pero itinabi ang mga kuha ni pulitiko sa mga litrato ni sexy star na natsitsismis sa kanya. Parehong location lang at pinapalabas na magkasama sila sa bakasyon.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, masaya na raw si sexy star sa piling ni pulitiko, at wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao.

Hindi na rin daw ito nagpu-push na magkatrabaho bilang artista dahil kampante na siya sa piling ni pulitiko.

May sinimulan na raw itong negosyo na obvious naman kung sino ang nagbigay ng puhunan.

May ilang kaibigang artista raw si sexy star na kasama sa dating show nila ang kino-contact niya at niyaya sa sinimulan niyang negosyo.

Nababagay kay sexy star ang itinayong negosyo. Happy na raw ito ngayon, kahit pinagtsitsismisan na siya at ewan ko lang kung ano ang balak ng hiniwalayang asawa ni pulitiko.

Derek at Ellen, nagsisinungaling sa hiwalayan?!; Julia, namayat  sa ‘breakup’ nila ni Gerald?!

Sa social media na talaga nalalaman ang mga latest sa interesting personalities sa showbiz.

Sa Instagram napagdudahang may problema ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna.

May isyu pang in-unfollow ni Ellen si Derek na pinasinungalingan ng dating aktres pero nagulat nga raw siya bakit wala na nga si Derek sa fina-follow niya.

Hindi naman daw talaga niya in-unfollow ang asawa at wala raw talaga silang problema at hindi totoo ang kumakalat na balitang hiwalay na sila.

Kahit si Derek ay sinasabi sa ilang kaibigang okay raw talaga silang mag-asawa.

Pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring maniwalang okay sila, dahil wala pa rin silang ipino-post na magkasama.

Ang pino-post lang ni Derek ay kasama ang anak nilang si Lily, at nung kamakailan lang ay nag-Vietnam pa ang aktor kasama ang ama. Wala si Ellen at kanilang anak.

Sa social media rin nakikita na mukhang may isyu rin kina Gerald Anderson at Julia Barretto.

May ilang nagkumpirmang hiwalay na talaga sila, pero walang nagsasalita sa kanila pati ang mga taong malapit sa kanila.

Nagtatanong kami sa ilang taong malapit kay Julia, safe lang ang sagot at wala naman daw silang alam.

Pero kapansin-pansing sa Instagram nilang dalawa na wala na ang mga litrato nilang magkasama. Mukhang tinanggal na talaga, pero nagfa-follow pa rin sila sa isa’t-isa.

Kung totoo mang hiwalay na sila, ito kaya ang dahilan kung bakit ang laki nang ipinayat ni Julia?

Napapanood namin siya sa Eat Bulaga at ang payat na niya.

Joel Cruz, walang problema sa ‘pronoun’

Open si Joel Cruz sa kanyang pagiging bading, na nagme-make up, long hair, pero hindi siya transwoman.

‘Yun lang daw ang ayos niya, pero ayaw niyang tawagin siyang ‘Ma’am.’ Okay na raw siyang tawagin sa pangalan niya o ‘Sir’ kung gusto ng iba.

Hindi naman daw niya masisisi na nalilito ang iba, dahil nga sa ayos niya. Hindi raw niya ikakagalit ‘yun, at hindi niya papahiyain ang taong nalilitong mag-address sa kanya.

Pahayag ni Joel Cruz, “Kasalanan ko na, unang-una, gusto ko tawagin ako ‘sir’ hindi ‘ma’am.’

“Ang ang kasalanan ko ru’n, nagpapatawag ka ng sir tapos ang haba ng buhok mo? Tapos naka-makeup ka ‘yung ganun. So, kasalanan ko.

“Ako kasi when it comes to LGBTQ+, I respect everyone of them. Kung ano ang kanilang kasiyahan, kung ano ang kanilang happiness I respect that,” sabi niya sa isang interview.

“Now, siguro kung merong ganun okasyon, don’t get offended at first. Just say politely na ‘ahh itawag mo na lang sa akin ay ‘ma’am’ o kaya ‘sir,’ o kaya ‘miss’ sabihin mo.’  But, huwag ka makipag-away.

“Unang-una, tayo ang may mali ‘no?

“Mako-confuse naman kasi talaga ‘yung tao. It’s not their fault, it’s our fault.

“Huwag tayo makipag-away. Hindi katulad ‘yung patayuin ‘yung waiter ng isang oras, dahil lang dun. Kalokohan ‘yun!”

Nagpapasalamat si Joel na nakukuha niya ang respeto ng mga tao bilang isang negosyante.

Kaya naman, nandiyan ang pagtitiwala sa kanya ng Vibal Foundation na igawa siya ng libro tungkol sa pagsisimula ng negosyo na sinisimulan muna sa maliit na puhunan.

Ngayong araw ay ilulunsad na sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center itong librong Business 101 What Worked For Me by Joel Cruz.