Regal, itotodo ang SRR Origins


RATED A — Aster Amoyo — Pilipino Star Ngayon

August 27, 2025 | 12:00am

The mother and son team sa Regal Entertainment na sina Roselle Monteverde at Atty. Keith Monteverde Teo admit na kakaiba ang pang-17th franchise ng horror movie na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins dahil ito’y tungkol sa past, present and future – 1775, 2025, at 2050 na magkakahiwalay na pinamahalaan nina Shugo Praico, Joey de Guzman, at Ian Lorenos.

Ang 1775 (past) segment ay tatampukan nina Janice de Belen, Loisa Andalio, Ysabel Ortega, Carla Abellana, Elijah Alejo, Arlene Muhlach, at iba pa.

Ang 2025 (present) segment ay kasama sa cast sina Francine Diaz, Seth Fedelin, Fyang Smith, JM Ibarra, Karina Bautista, Dylan Yturralde, Althea Ablan, Kaila Estrada, Sassa Gurl, at Arkin Lagman.

Habang ang 2050 (future) ay tinatampukan naman nina Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Manilyn Reynes, Dustin Yu, Sarah Edwards, Matt Lozano, Maika Rivera, Angelica Lao, Celyn David, Shecko Apostol at Raven Rigor.

Aminado rin ang mag-ina na ang 51st Metro Manila Film Festival official entry ng kanilang kum­panya ang maituturing na siyang pinamala­king SRR franchise na nagsimula nung 1984, in terms of budget and casting.

Samantala, kung nung nabubuhay pa ang Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde ay madalas niyang kasama ang kanyang middle child na si Roselle (since 2001) na kanyang sinanay sa movie and TV production. Kaya nang mawala si Mother Lily ay si Roselle na ang nag-take over at nagpatuloy sa production company na sinimulan ng ina as early as 1962.

This time ay katuwang niya ang kanyang eldest child na si Atty. Keith Monteverde Teo na nagtapos ng abogasya (cum laude) sa Boston University in Boston, Massachusetts, USA and took his Master of Law sa UC Hastings.

It was in June 2024 nang magdesisyon si Atty. Keith na mag-relocate sa Pilipinas kasama ang kanyang Taiwanese doctor-pharmacist wife na si Winni Wang and their four-year-old daughter.

It was a major decision sa part ng mag-asawa lalupa’t pareho silang lumaki sa Amerika kung saan din sila nagtapos ng kanilang pag-aaral at nagsimulang magtrabaho.

Eventually ay nakapag-adjust din ang couple maging ang kanilang daughter na five years old na ngayon, her paternal grandpa’s favorite.

Si Keith ay panganay sa pitong magpipinsan na apo nina Mother Lily and Father Remy Monteverde. He was also her grandmother’s favorite apo (being her first grandchild) kaya ang isang function room ng Regal sa Valencia noon ay ipinangalan sa kanya at ginawang Keith Ryan Hall.

Ang kanyang lola rin ang dahilan kung bakit sila nag-relocate sa Pilipinas dahil may sakit na noon si Mother Lily at gusto niya na present siya until she passed on nung Aug. 4, 2024, 15 days bago ang 86th birthday ni Mother. Pero nauna pang sumakabilang-buhay ang kanyang grandfather na si Father Remy  at halos isang linggo lamang ang kanilang pagitan ni Mother Lily.

“I miss them so much,” pagbabahagi ni Keith nang ito’y aming makapanayam sa aming TicTALK with Aster Amoyo online show sa aming YouTube channel.