Rufa Mae, palaban na sa mga scammer!


Nakakaloka na ayaw pa ring tantanan si Rufa Mae Quinto ng scammer ha.

Pinost niya ang litrato ng lalake at nagbabala siya na mag-ingat doon.

Mabuti na lang at nalaman niya agad ang panloloko noon na nagngangalang Michael Tenorio.

Tama lang ang sinabi niyang ire-report niya iyon sa NBI at PNP para mabigyan ng leksyon.

Mabuti rin at mabilis na umaksyon kung sino man ang nagpadala ng mensahe sa kanya at tinanong kung kilala niya ang lalake.

Sinasabi raw ng scammer na 15 taon na silang magkakilala ng komedyana.

Dapat mahuli na agad iyon para wala nang maloko iyon.

Hindi pa nga siya tapos sa kasong kinasasangkutan niya matapos siyang mabiktima sa isang derma clinic at heto talagang gagamitin pa siya ng manlolokong iyon ha.

Mabuti pa si Neri Naig ay nakalusot na sa kanyang kasong syndicated estafa na binasura na.

Hindi na rin naman na bago iyan na madalas ngang mabiktima ang mga celebrity.

Pero sana maturuan na ng leksyon ang mga iyan para matigil na ang kanyang modus operandi.

Galit talaga ako sa mga ganyan dahil naaalala ko ang pambubudol sa alaga kong si Christopher de Leon na never akong makaka-move on.

Nakakatulala nga tuwing naiisip ko na magagawa iyon ng mga kakilala mo pa.

Kaya go na, Rufa Mae, turuan mo sila ng leksyon.