Well, nalungkot ako na hindi ko nakita si Song Joong-ki in person nang dumating siya sa bansa para sa isang fan meeting.
Gustuhin ko man talaga, hindi na kaya ng katawang lupa ko.
Alam n’yo naman ang lola Lolit ninyo, 78 years old na at mahina na ang mga tuhod.
Ang layo kasi para sa akin ng venue, MOA Arena, talagang gustuhin ko man, ayaw ng dialysis ko.
Hahaha.
Hay Song talagang hindi siguro tayo pinagtatagpo ng tadhana dahil may dalawang anak ka na.
Siguro kung single ka, baka pinilit ko ang sarili kong puntahan ka at yakapin.
Medyo inggit ako kay Janice de Belen pero ganun talaga ang buhay, may mga sumasakses sa kanilang mga ilusyon at may mga sumusuko.
At least naranasan ni Janice na luhuran ni Song… Luhuran talaga ‘di ba. At may pabulaklak at marami pa raw yakap.
Ano kayang naramdaman ni Janice?
Kung ako ‘yun, hindi na makakabalik sa South Korea si Song. Hahaha. Talagang iuuwi ko siya kahit saan niya gusto.
Nakakaaliw ang buhay lalo na kung marami pa ring nagbibigay ng regalo kahit noong May 20 pa ang birthday ko.
Na naikonek ko talaga kay Song at Janice.
Pero love ko pa rin naman si Song kahit hindi kami nagkita in person.
At sa totoo lang, parang ang bait ni Song ha. Hindi siya nagdamot sa mga nag-cover na sobra rin ang kilig sa kanya.
At least asal superstar siya, hindi feeling superstar.
Skyway, libre muna habang ginagawa ang Edsa
Nakakaloka, aayusin pala ang EDSA Kaya’t may ipatutupad ang Department of Transportation (DOTr) na libreng toll para sa Skyway Stage 3 at odd-even scheme habang inaayos ang EDSA.
Sinabi ito kahapon ni Sec. Vince Dizon dahil aminado siyang magdudulot ng matinding traffic ang rehabilitasyon lalo na sa mga motoristang regular na dumaraan sa EDSA.
At isang paraan nga raw upang hindi gaanong maramdaman ang traffic ay gawing libre ang Skyway Stage 3.
Ang mga sasakyan daw na hindi na kailangang dumaan sa EDSA ang ililihis at sa halip sa Skyway sila padaraanin sabi pa ni Sec. Dizon.
Gayunman, nilinaw niya na ang toll ay i-waive lamang sa panahon ng konstruksyon ng EDSA.
Ipinaliwanag naman ng MMDA na sa ilalim ng odd-even scheme, ang mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa odd number (1,3,5,7,9) ay pagbabawal na dumaan sa EDSA tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Sa kabaligtaran, ang mga sasakyang may even-numbered plates (0,2,4,6,8) ay ipagbabawal tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
Nakakaloka ‘di ba. Imagine ang magiging epekto nito sa mga driver na katulad ni Salve?
Pero ang magandang balita naman libre ang Skyway 3. Hanggang airport kaya libre na?
Kung bukas nga ang EDSA ang lala na ng traffic, paano pa kung isasara ito?
