Wow, ang laki na rin nang ipinayat ni Sylvia Sanchez.
Parang humahabol kay Sharon Cuneta.
Kaya naman sobrang luwag ng suot niyang pantalon kahapon, nang humarap sa ilang entertainment press.
“‘Yung pants ko dating ganito… ganyan siya ngayon,” sabi pa niya na tinuturo nga ang suot.
Mga ilang pounds ang nabawas na sa kanya?
“Twenty four pounds.”
Anong secret? Or secret ba ‘yan?
“,” na hindi siya nahiyang aminin na salamat po doctor ang kanyang pagpayat na kitang-kita ngang nabawasan ang timbang nung rumampa siyang na-ka-Micheal Leyva gown sa Cannes Filmfest para sa pelikula nilang Renior.
So, kailan ka nag-start magpapayat?
“Nag-start ako last year bago mag-December. Pero hindi consistent kasi ang takaw ko, mahilig akong magluto. Tapos kain ako nang kain kahit may gamot pero hindi ko talaga siya nasi-seryoso. Hiyang-hiya na ako kay Dr. Roland. Kapag pumupunta ako sa kanya, naglo-lose ako ng two pounds, three pounds. So, ngayon sineryoso ko,” impormasyon pa niya.
“Lalo na sa akin, ang dami kong ganap, ang dami kong abroad. Ang dami kong… kung saan-saan. So, syempre, ‘yung mga pagkain, ‘di ba? Ang daming parang nagko-kontrol tapos sinasabihan ako, parang kinakawayan ako ng pagkain, na ‘kainin mo ko,’‘wag ka nang maarte.’ Kaya nung pumunta kami ng Cannes, ‘yung mga caprese salad nila…”
Actually, mas payat daw siya nung nasa Cannes na napansin ng marami. “Oo. Actually, ‘yung nasa Cannes ako, mas payat ako nun. Nag-gain ako ng five pounds ngayon sa Europe. Kasi kain na ako nang kain. Sabi ko nga, pipikitan ko na lang ito. Pag-uwi ko magdo- Dr. Roland Angeles na ako ulit,” pagdidiin pa ng actress na fresh nga from Cannes Film Festival.
Pero ano ba ‘yung process kay Dr. Roland?
“Meron siyang ii-inject sa’yo na vitamins, tapos meron siyang pampalakas ng metabolism, tapos meron kang gamot na iinumin. Pero safe ‘yun, kasi doctor siya talaga.”
Si Dr. Roland din ang tumulong para pumayat si Lorna Tolentino.
“Yes, Lorna. Ang dami namin. Ara Mina, si Tanya Montenegro. Si Tanya ang grabe. Si Tanya talagang ang lala nung pagpapayat niya, I mean, ang galing. Ang lala nung pounds na nawala sa kanya.
At ano ‘yung nagpa-push na seryosohin niya ang pagpapapayat? “Ang hirap nang yumuko. Nahirapan na akong yumuko. Nagaganun na ‘yung tiyan ko (sabay demonstrate niya na ngayon nga ay mabilis na raw talaga niyang gawin). So, at least… actually sabi ko, pupunta ako ng Cannes, pupunta akong ganito, gusto ko nang mag-gown ng maganda, gusto ko nang maayos tingnan. So, ‘yun nga, okay na. Happy na ako,” sabi pa ng reyna ng Nathan Studios.
Ilang months bago niya naramdamang, ang payat na niya?
“Naku hindi ko na alam. Nagseryoso ako two months.”
Pero keri niya bang maging ala-Sharon Cuneta? Na sobrang payat na talaga.
“Ay! Nakakabilib si Megastar sa pagpayat parang hindi ko kakayanin ‘yun. Hindi ko alam kasi ‘pag nakikita ko nga siya parang, oh my God ang payat niya. Mas payat pa siya di-hamak sobra sa akin. Pero parang hindi ko kakayanin. Hindi ko talaga kakayanin kasi mahina ang disiplina ko sa pagkain. Weakness ko kasi pagkain. So, hirap talaga. Hirap na ako dito pero nakaya at kakayanin pa. Idol ko si Mega sa pagpapapayat.”
Samantala, marami nga ang ginulat ni Sylvia na rumampa siya sa pinaka-prestihiyosong film festival sa mundo na idinaos sa Cannes, France kung saan nagpi-preview rito ang mga bagong pelikula sa lahat ng genre, kabilang ang mga dokumentaryo, mula sa buong mundo. Nakasama niya sa red carpet ang mga co-producer niya from Japan, France, Singapore, Indonesia, Qatar and Philippines represented by Nathan Studios.
In competition ang pelikulang Renior pero aminado si Sylvia na isa itong art film
Kuwento ito ng isang ama ng 11-taong-gulang na si Fuki, si Keiji, na nakikipaglaban sa isang nakamamatay na karamdaman, at pabalik-balik ng ospital. Ang kanyang ina, si Utako, ay palaging na-stress sa pag-aalaga kay Keiji habang may full-time na trabaho. Naiwang nag-iisa sa kanyang mayamang imahinasyon, si Fuki ay nabighani sa telepathy at mas nahuhulog sa sarili niyang mundo ng pantasya.
Directed by Hayakawa Chie at walang kahit isang Pinoy actor sa pelikula.
Pero nag-shooting ito sa Batangas bagama’t pinalabas itong eksena sa Europe.
Si Alemberg Ang ang nag-offer kay Sylvia upang maging co-producer sa Renoir na pinagbibidahan ng Japanese young actress na si Fuki Okita na nagagalingan si Sylvia.
Ayaw niyang banggitin, pero malaki-laki diumano ang investment dito ng Nathan Studios.
Wala pang schedule kung ipalalabas ito sa bansa, pero marami na itong imbitasyon na ipalabas sa iba pang malalaking international film festival, at meron na rin itong playdate sa Japan at France.
Sa bansa ay ipalalabas ito sa QCinema sa December.
Dahil sa unforgettable experience at knowledge na nakuha ni Sylvia sa Cannes Filmfest, ang mission niya ngayon ay makapag-produce ng solid Pinoy movie na mapapansin din doon.
