Tapos na ba ang Creamline dynasty?


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

August 28, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Bigo ang Creamline na makapasok sa dalawang finals ng Premier Volleyball League (PVL) sa ikalawang sunod na pagkakataon matapos ang walong taon.

Una itong nangyari sa nakaraang 2025 PVL on Tour na pinagreynahan ng PLDT High Speed Hitters laban sa Chery Tiggo Crossovers at sa kasaluku­yang Invitational Conference.

“Siyempre mahirap kasi talagang tumataas na iyong level ng volleyball dito sa Pilipinas,” sabi ni Creamline coach Sherwin Meneses. “And siyempre, iyong mga teams talagang nagpapalakas.”

Matapos talunin ang Cignal HD Spikers sa pagbubukas ng 2025 PVL Invitational Conference ay yumukod ang Cool Smashers sa Crossovers at sa guest team Kobe Shinwa University ng Japan.

Nakaapekto sa Cool Smashers ang pagbalik ni Bernadeth Pons sa national beach volleyball team kasama si Sisi Rondina ng Choco Mucho at ang mga injury nina Tots Carlos at Bea De Leon.