August 28, 2025 | 12:00am
Posibleng magkatrabaho ang makapatid na sina Vina Morales at Shaina Magdayao sa isang proyekto. Matatandaang sa isang episode pa ng Maalaala Mo Kaya huling nagkatrabaho ang magkapatid noon. “I would be happy and I am very excited if that would come. Hindi lang siguro sa teleserye, maybe in a movie. tapos ngayon rumaraket na din sa pagkanta. So ako kung ano man, ‘yung proyekto namin, magkanya-kanya man kami or meron man kaming project together, I will be happy,” bungad ni Vina.
Lubos ang pasasalamat ng aktres dahil apat na dekada nang aktibo sa show business. Napapanood si Vina ngayon sa seryeng Cruz vs. Cruz ng GMA Network. Mayroong payo ang aktres para sa mga baguhan pa lamang o mga kabataang artista ngayon upang magtagal din sa industriya. “Bawal ‘yung pa-diva. ‘Yung longevity is makukuha ‘yan if you have the right attitude,” giit ng dating child star.
Mahigit 16 na taong gulang na ngayon ang anak ni Vina at Cedric Lee na si Ceana. Proud ang aktres para sa lahat ng achievements ng anak sa eskwelahan. Sa ngayon ay hindi pa raw masabi ni Vina kung sasabak din sa show business si Ceana. “When you ask her saying, ‘Ceana do you wanna be an actress or a singer?’ She just smiles at you and then, ‘Maybe, let’s see.’ Ako naman I don’t push her na maging nasa showbiz. Basta kung ano lang ‘yung gusto niyang gawin, nando’n lang ako, susuporta,” pagbabahagi ng singer-actress.
Walang kasintahan ngayon ang aktres. Umaasa pa rin si Vina na makikilala rin ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya na panghabambuhay “Gusto ko rin namang magkaroon siguro ng stable na lovelife. I always pray for my husband, for my husband to be safe. Kasi hindi ko alam kung sino siya,” natatawang paglalahad ni Vina. (Reports from JCC)
